MILKA'S POINT OF VIEW:"Cheers for the success of SB19 in The Zone Luzon Chapter!"
Naka ngiting sigaw ni Miss Rose, isa sa mga Manager nila Kuya Stell habang itinataas ang bote nang Soju, kaya naman kaagad din naming itinaas ang kanya kanya naming inumin.
It's Friday, and tapos na din naman ang Formal Party para sa Celebration nang successful na In The Zone Luzon Chapter ng SB19 kaya napag desisyunan naming mag overnight na sa Resort at magkaroon nang konting kasiyahan.
"Cheers!" sabay sabay naman naming sigaw habang itinataas namin ang kanya kanya naming iniinom, bago kami sabay sabay uminom at mag tawanan. everybody was visibly having fun seeing they boys in their happiest made my heart flutter.
"Parang kailan lang trainee lang sila, Now they're at the top of their own game." bulong ko sa saril ko habang tinitignan silang lima, pero natigilan ako nang mapadpad ang tingin ko kay Ken.
Bestfriend ko , tandang tanda ko kung paano ko pa siya ipag-paalam kay Ate Jackie, dahil ugali nilang lagi mag overtime sa pag pa-practice. I saw how dedicated He was. giving away His blood, sweat, and buckets of tears just to reach this point.
"Oh baka malusaw." biglaang bulong sakin ni Kuya Stell, kaya naman biglaan akong bumalik sa ulirat at na realize na naka titig na pala ako kay Ken, kaya naman kaagad akong napa duko at namula.
"Ang alin? ice cream ba yarn?" pamimilosopo ko kaya naman kaagad tumawa si Kuya Stell at pabiro akong binatukan, kaya naman kaagad kong yinakap si Kuya Stell saka ko siya binulungan.
"Congratulations Kuya I'm so proud of you." bakas naman sa mukha ni Kuya ang galak nang sabihin ko yon, kaya naman yinakap niya din ako pabalik saka niya hinalikan ang noo ko.
"Para lahat to sayo, tandaan mo ikaw na lang ang meron ni Kuya." bulong niya sakin kaya naman kaagad ako napatango, pero biglaang naudlot ang brother and sister moment naming dalawa nang lapagan kami ni Ken nang tig isang shot glass na may laman na soju.
"Mamaya na moment shot na muna uy!" pag bibiro niya habang tumatawa, kaya naman natawa din kami ni Kuya at uminom sa kanya kanya naming baso.
Pero sisiguraduhin kong hindi nako malalasing this time, Hindi na pwede.
***
Ilang oras na din ang nakalipas, madami dami nang naiinom ang lahat, pwera saming dalawa ni Justin na kapwa naka isang shot lang nang soju. kaya naman naisipan kong signalan si Justin na mag-aya nang bumalik sa kanya kanyang kwarto.
Buti na lang at kaagad niyang nakuha yon, saka niya inakay si Josh at nag salita "Tara na guys, pahinga na tayo lasing na kayo maaga pa tayo bukas mag pa-pack up."
"Oo nga tara na." malumanay kong pag sapo sa sinabi ni Justin bago ko tuluyang tinignan si Ken, bakas sa mapulang mukha niya at mapungay na mga mata ang kalanguan sa alak.
Mukhang mahihirapan akong itayo siya, pero wala na sakin yun. Ang importante ngayon ay hindi na mangyari ang dati. kaya naman dahan dahan kong ilinagay ang braso ko sa bewang niya at ang braso naman niya sa balikat ko.
"Ken dahan dahan kitang itatayo ha?" malumanay ko pa din na bulong sakanya, kaya naman dahan dahan siyang tumingin sakin, our faces were a few inches away from each other.
Shit, ang lakas nang tibok ng puso ko.
"Milka tandaan mo kung ano ka lang, kung hanggang saan ka lang. Bestfriend ka lang." sigaw nang utak ko habang tinitignan ang mga mata ni Ken.
"I-Inom pa tayo, hindi pa ako lasing." bulong niya sakin habang sinasandal ang noo niya sa noo ko saka siya muling nag salita "Naalala ko pa lahat Milka, hindi pa to sapat."
Ako ba Ken, hindi pa sapat?
"Tama na, lasing ka na. naka dami ka na. Isang case na yang nasa gilid mo oh." pilit kong pag papa intindi sakanya habang pilit ko siyang itinatayo, buti na lang at tinulungan din ako ni Kuya Stell.
"Sabi nang hindi ako lasing eh! kaya ko ang sarili ko iwan niyo na ako!" sigaw ni Ken habang nag wawala at itinulak kami ng marahas, kaya naman napa usog si Kuya Stell samantalang ako naman ay nabuwal mula sa pagkakatayo.
Kaya naman nagulat ang buong katawan ko at saka nanginig nang dahil sa nangyari, sa tagal nang pinag samahan naming dalawa ito ang unang beses na nanakit siya habang lasing siya.
Kaya naman bakas ang gulat maski sa mga mukha nang kasama namin, tila ba nawala ang kalasingan sa sistema nila habang tinutulungan nila akong tumayo.
"A-Ayos ka lang ba Ate Milka?" tanong ni Justin kaya naman kaagad akong tumango habang pinapagpagan ang sarili ko, namumula ang kabilang tuhod ko mukhang magpapasa din to bukas.
"Oo ayos lang ako." diretso kong sagot saka ko kinuha ang iniinumang baso ni Ken saka ko ilinayo sakanya, at bago pa man siya maka sagot ay biglaan ko siyang sinampal nang malakas.
Kahit labag pa yon sa loob ko, sana hindi niya na lang maalala to bukas.
"Felip Jhon gumising ka nga sa ilusyon mo! hindi na siya babalik! kahit ilang bote pa nang alak ang inumin mo iniwan ka niya para sa iba!" sigaw ko habang tinitignan siya, isang dahilan para magulat ang lahat lalo.
Katahimikan lang ang nasagot ni Ken, bago siya biglaang masuka kaya naman di ko din siya natiis at inalalayan ko siya. Hinagod ko ang likod niya saka ko hinawi ang buhok niya papalayo sa mukha niya.
"Tama na kasi.. tara na balik na tayo sa Hotel room mo." bulong ko buti na lang talaga at tumango na lang siya at hinayaan kami ni Kuya Stell na madala siya papunta sa kwarto niya.
***
"Sa wakas." bulong ko sa sarili ko habang ihinihiga si Ken, saka ako tumingin kay Kuya Stell at nakisuyo nang bimpo na basa habang tinatangal ko ang sapatos at t-shirt ni Ken para kahit papaano naman ay ma preskuhan siya.
"Dapat pala hindi na kita hinayaang uminom, sinasaktan mo na nga sarili mo. nasaktan pa kita. sorry." bulong ko habang hinihimas ang pisngi niya, laking gulat ko na lang nang mas lalo niya pang idinikit sa kamay ko ang mukha niya.
"J-Janine balik ka na.. baby it's been 3 years." biglang bulong niya kaya naman nakaramdam ako nang kurot sa dibdib ko, hindi ko man lang napansin na unti unti na palang tumutulo ang mga luha ko.
"Mahal mo na?" biglaang pambasag katahimikan ni Kuya kaya naman napa tingin ako sakanya at saka ako umiling pero bago pa man ako maka sagot ay dinugtungan na ni Kuya yung sinabi niya "Okay lang kung mag sinungaling ka sakin, pero maa-atim mo bang magsinungaling sa sarili mo?"
All I could answer was silence, and I guess that answered the question.
A brief introduction, I am Milka Brielle Ajero. Ken Suson's bestfriend.
And this, this is my story. A bestfriend's perspective.
The Sunflower, and never will the thorny rose every dream boy would choose.
YOU ARE READING
Her Perspective | SB19 Ken and Pablo Fan fiction
Fanfic"In every story there's a bestfriend, wanting to let the world see Her perspective." - Milka Brielle Ajero It's always the beautiful leading lady, but never the bestfriend. Nobody chooses the Sunflower it's always the Thorny Rose. Meet Milka Brielle...