Kinabukasan
"Sino ka?" I looked around, "Alam kong nariyan ka lang sa paligid at naririnig mo ako, pakiusap, sana itigil mo na ito." Another gift from him. Isang perlas na kwintas mula sa tinatawag nilang 'secret admirer'. Ayoko ng ganito.
"Kath! Ano bang sinasabi mo?" Gulat na sabi ni Ynna.
"Alam mo, kung sino ka man, i really appreciate your effort. Maganda lahat gifts na nareceive ko from you. Pero hindi kita kilala, pasensya na," I have to stop him, I have to say this, "...sorry pero may boyfriend na ako."
Everyone around me gasps. Nakakagulat. Siguro nga. Too fast. Alam ko. Pero I have to say it.
"Seryoso ba sya? Ang bilis naman ata?"
"Whoah, wala pala si Jester eh, nakamove on agad si Kath. Cool talaga nya!"
"Poor Jester, loko kasi ying lalaking yun eh. Si Kath pa ang pinakawalan nya ah."
"Congrats to her, akala ko hindi sya makakaget over kay Jest. Sino kaya yung guy ano? Swerte nya kay Kath ah."
"Kawawa naman si Mr. Secret Admirer, di pa nag-uumpisa busted agad."
Ang ingay nila. Mas lalo ko tuloy napatutunayang ang sama ng ginawa ko.
"Het, Kath, what do you mean?" Nakikita ko na ang pagkairita sa mukha ni Ynna. Alam kong mali itong ginagawa ko pero kailangan kong gawin ito.
"Sorry for not telling you Ynna, but I have a boyfriend now and I love him. I hope you understand so if you'll excuse me, we still have our swimming class waiting for us."
"But Kath..."
"No, buts please. Please."
"Fine!" The she was gone.
Am I being rude to her? Minsan lang naman eh. Pwede naman siguro yun.
---
Natapos ang klase ko sa buong araw ng tahimik. Hindi na nagsalita ang mga istudyante tungkol sa insidenteng nangyari kanina. Ordinaryong student lang ako sa paaralang ito ngunit dahil kay Jester nakilala ako ng lahat. Jester. Nakakamiss. Pero alam kong wala na. Hindi ko man alam kung paano nagtapos ang lahat sa amin pero siguro I'll go with the flow na lang muna. Kailangan kong huminga para mabuhay at iyon ang gagawin ko.
Nag-uwian na ang mga students ng university pero pinili ko munang magstay sa garden sa likod ng main building. Maraming puno ang nakatanim dito kaya masarap ang simoy ng hangin. May iilan ring mga bulaklak at bench. Madamo ang paligid kaya halos wala masyadong tao.
Sa lugar na ito iniiyak ko ang lahat. Lahat ng sakit at pagkukulang na nadarama ko. Bakit ako? Of all people why me? Sabi nila nasa akin na ang lahat, ganda, talento, talino, mabait na magulang at karangyaan. Pero bakit may kulang pa rin. Bakit lagi na lang akong iniiwan ng mga taong mahalaga sa akin. No. Ynna and Bea are there. Pero bakit kulang pa rin? Maybe because I know that at the end of the day, I'll be left behind---that someday they will also leave me. Masakit. Nasasaktan ako kasi ganito ako ngayon. I wasn't supposed to be like this. Matapang ako.
Iniiyak ko lang ang lahat sa lugar na iyon. Hindi ko namalayan ang paglapit ng isang imahe.
"Tapos ka na bang umiyak? Heto oh, gamitin mo para punasan ang luha mo." He smiled.
"Ikaw."
He chuckled. "Yap! Yap! The one and only. Ang panget mo pag umiiyak nakakadiri mukha mo---aaww. Ang sakit nun ah"
" Kanina ka pa ba nanjan?" I frowned, "ka-kanina mo pa ba ako-a--haaay, nevermind"
"Oo, kanina pa kita nakikitang umiiyak. May problema ba?" Malumanay nyang tanong. Kitang-kita ko sa mukha nya ang pag-aalala at pakikiramay. "Wag mo akong masyadong titigan naiilang ako." Napabuntong-hininga na lamang ako sa tinuran ng lalaking ito. Bakit ba napakadali para sa kanya na sabihin ang nilalaman ng isip nya. Hindi ba sya nahihiya sa akin? "Magsasalita ka ba o magsasalita ka. Kanina mo pa ako tinititigan eh nagagwapuhan ka na naman sa akin noh?"
"Kapal ng mukha mo, oo na ikaw na ang gwapo."
Katahimikan. Wala akong masabi eh.
"Nakita ko nga pala yung nangyari kanina, pasensya na kung nagpakachismoso ako kanina. Nakita kasi kita eh. Dahil ba sa nangyari kaya ka umiiyak ngayon? Nag-away ba kayo ng boyfriend mo?"
Natawa ako sa sunud-sunod nyang tanong.
"Yeah, right. Now, you're making fun of me." makairap naman 'to parang babae?
"Wag mo akong irapan, you look cute. By the way, wala akong boyfriend." I heard a deep sigh after I finished my statement.
"Eh bakit ka nagsinungaling? Hindi mo ba alam na maaaring makasakit ka?"
"Alam ko."
"You know but you are still doing it?"
"I have to. Para hindi sya umasa."
"Hindi mo man lang sya binigyan ng chance?"
"Wala namang chance eh." After saying that, I stood up and gave him a wide smile.
"You're difderent. You know that."
"Sabi mo eh, haha, sige uwi na ako. Maggagabi na rin eh. Ingat ka ha. Salamat sa'yo."
"Wala naman akong ginawa."
"Basta. Haha"
Di pa man din ako nakakaunang hakbang, naramdaman ko na ang init ng kanyang palad na nakapalibot sa aking kamay.
"Sandali lang, ano nga palang pangalan mo?"
"Ay oo nga pala." Nginitian ko sya habang unti-unting humaharap sa kanya, inilahad ko ang aking kamay sa kanyang harapan, "...I'm Kath." He smiled. Ayan na naman ang nakahahawang ngiti nya. "Ikaw?"
"Nathan. It's nice to meet you Kath. Una na ako."
Then he kissed me...on my right cheek.
BINABASA MO ANG
Timeless
Short StoryIt's been a while. A long while. I keep myself from falling but the only rule I have has been broken. There was this man who has always been a stranger to me. Kakaiba. Sobrang kakaiba. I was stucked in the feeling of hating something different. Si...