Part I

31 1 0
                                    

*//Tulala sa Pagbukas ng Elevator//*

Wew.. hindi ko kinaya! Ang gwapo niya! Para ako’ng nanaginip…

//Lakad – takbo ang aking ginawa para mahabol ang isang puting hamster… sobrang cute niya at hindi siya isang ordinary na hamster… Napakalaki niya at ang haba ng balahibo… Nanggigil ako na mahabol siya. Sobrang bilis niya tumakbo… Paborito ko pa naman ang mga hamster… Hindi ko naman planong takutin ang hamster… Hinabol ko siya hindi dahil gusto ko siya angkinin para ako na ang mag – alaga.. Gusto ko lang talaga malaman kung saan siya nakatira… Malay natin… Baka meron pala siyang pamilya… cute ^_^ …

Umabot kami sa pinaka – sentro ng gubat. Nawala siya. Paling – linga ako ngunit hindi ko siya nakita… Sa halip ay isang napaka – gwapong lalaking nakaputi ang aking natagpuan. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngunit parang kinapos ako ng hininga. Ang lakas pa ng pintig ng puso ko!! (tugs..tugs.. tugs..)wew…

Lumapit siya ng may pagtatanong ang mga mata!

“Ahh.. ehhh.. ano kasi,..”, pabulol ko na sabi. Janeth, ano ba ang nangyayari sa iyo?

“Ahhmmnn.. ano.. ano kasi.. ahh.. may malaking hamster! Tama! May hamster ako na sinusundan ditto,. Uo tama.. sinusundan ko siya.. at..”, Ano ba Janeth… ba’t ka nagkakaganyan? Umayos ka nga! Untog ko sa sarili ko!

--tawa lang ang reply niya!

Nababasa kaya niya ang iniisip ko?//

“Are you okay miss?”, sabi niya…

“Ahh.. yes.. I am looking for the hamster…”, Sagot ko..

“Ano’ng hamster? Sa elevator? Are you okay?”

Wew… napahiya ako roon ah! Yabang naman nito.. ‘kala mo kung sino.. “Sa panaginip ko!.. hinahanap ko ang hamster!”… muntik ko na isigaw sa kanya… Yabang! Sa hindi ko alam na dahilan, inismiran ko siya… wew.. nagawa ko mang – snob ng tao na ngayon ko lang nakilala? Weird!

I hate you boy, but I don't think so? (On going...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon