Part IV

8 1 0
                                    

//Weekends//

Wew.. weekends nah! Dating gawi… matagal gigising at maagang matutulog… hehehe.. alas dose na ako nagising kaninang umaga. Ang sarap pa sana matulog ngunit alam ko na kailangan ko ng bumangon… maglalaba pa ako dahil baka wala na ako’ng masuot nito pagdating ng Lunes! Haizt..

Kumuha ako ng bareta sa aking lalagyan at hinanda na ang aking mga damit… Maya – maya lang ay nagsimula na akong maglaba… Pakanta – kanta pa na sabay sa pag – kusot ko ang aking ginawa... wew…

*/I won’t give up…

On Us..

Even if the sky…

 get rough…/*

Eka nga.. bahala na sintunado basta ba may dating.. wew.. sino naman ang nakapagsabi sa iyo na may dating ang boses mo Janeth? Patawa ko’ng untog sa sarili ko.. Para talaga ako’ng baliw… magsasalita mag – isa, tatawa mag – isa… ahhhh.. ewan! Hehehe.. wew… bahala na! at least I am showing the real me. Wew… kung maka – English lang.. hahahah.. wew… Napaka – kalog mo talaga Janeth..

Sumasakit ang aking likod sa kaka – tungko sa bangko na sa sobrang liit ay hindi mo aakalaing nakayanan ko na pag – tyagaan! Wew… Paano ko naman hindi pagtyagan ang bangko na ito, eh wala nga ako’ng ibang bangko diba? Wew…

Makalipas ang ilang minuto ay nagdesisyon ako’ng bumaba para manood ng telebisyon… wew… Isa sa mga dahilan kung bakit love ko ang weekends… Maya – maya, tumawag si papa…

“Oh, pa! Napatawag ka?”, sabi ko pagkasagot ng cellphone ko…

“Eh kasi itong mama mo… Na – mimiss ka.. ”, sagot naman ng kabilang linya…

“talaga pa?”, paiyak ko’ng sabi…

“Uo.. Huwag ka umiyak… ok lang iyan.. Ito talaga ang consequence kapag sasabak na sa trabaho ang mga anak naming…”, sagot naman niya sa malungkot na boses…

“Eh bakit si mama lang… Ano ba naman kayo papa? Hindi niyo man lang ba ako na – miss at tsaka nasaan sina daday at dodong? Ano ba naman itong buhay na ito,.. si Mama lang ba ang iniwan ko diyan sa bahay, ha? Haizt…”, sa bilis ng aking pagsasalita... halos maupos ang aking hininga…

“teka.. teka… kung maka – tanong naman itong batang ito, wagas! Isa – isa lang ha…”, patawa naming sagot ni papa…

*/hahahahaha… hahahahaha… hahahahaha/*

Tumawa na lamang kami… Ganito talaga kami ni papa… Kapag walang magawa.. wew…

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I hate you boy, but I don't think so? (On going...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon