Part II

22 1 2
                                    

*//Abala sa Trabaho//*

*/tick… tock… tick… tock…

12:00 na!

Lunch time…

Paborito ko’ng part ng day sa office…

Libre kasi ang lunch namin…

Pero, bakit parang nanibago yata ako sa araw na ito…? /*

“Janeth, lunch nah! Wala ka ba’ng plano mag – lunch? Mamaya na iyan!“, untog sa akin ni Rei. Ang pilya at cute ko’ng kaibigan. Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo.. Cute rin ako! Ahw.. wew.. hehehe. (joke lang)… Tumawa naman kayo.. hmpf!

Nagkakilala kami ni Rei noong natanggap siya bilang isa sa mga ma – swerting bata na magkakaroon ng libreng kolehiyo… Parehas kami ng bahay na tinitirhan (center). Parehas pa din ang notebooks namin… Ang lunchboxes… Ang uniporme… At maging ang school… Kaya, sino ba naman ang hindi magiging close niyan? Wew… Putting into account na parehas kaming “adik”(expression ko sa mga taong kalog.. hehhehe).

“Pakikuha na lang din ako ng lunch, Rei”, utos ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa screen ng aking monitor.

“Okies..”, sagot niya sabay lakad.

Naging abala ako sa trabaho at nakalimutan na mayroon nga pala’ng nangyari sa akin sa elevator… Usually kasi, kinikwento ko kay Rei ang lahat – lahat ng pangyayari sa aking buhay tuwing lunch!

Magmula sa paggising ko hanggang sa pagpasok… pag – uwi galing office hanggang sa makatulog… lahat ng iyon ay full detailed kung i – kwento ko kay Rei. Pero, iba talaga ang araw na ito… Hindi ako nagiging madaldal sa pagkain… Hindi ako masyadong nag – iingay… ewan! Ano ba ang nangyayari sa akin? Wew…

Dahil ba new year? New life? Gano’n? hmmnn..

I hate you boy, but I don't think so? (On going...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon