Sa Isang Saglit (One Shot)

499 22 25
                                    

"Wala ng dating pagtingin.. Sawa na ba sa aking lambing.. Wala ka namang dahilan bakit bigla nalang nang-iwan?"

Hays.. Naalala ko na naman si Jeffrey kapag naririnig ko yung kantang 'Magbalik' ng Callalily. Nasasaktan parin ako. Bigla nalang nanlamig sya. Bigla nalang iniwan nya ako.

Parang kahapon lang ang lahat nang dumating sya sa buhay ko, flashback tayo.

* * *

Tumunog ang cellphone ko. May nag-text sakin. Tinignan ko kung sino. Hay naku unknown number na naman. Sino na naman to?

[Good Evening. Pwede makipag-friend?]

Leche! Ito yata yung nanghingi ng number ko kay Aileen. Ang pangit pa naman nun. Tanungin ko nga.

[Good Evening . Sino to?] Message Sent.

SFX (Text Message Ringtone) Reading a text.

[Si Jeffrey to. Ikaw si Shane, right?]

Aba! Aba.. Kilala ako! Ito nga yung kaibigan ni Aileen. Badtrip! Tanungin ko nga ulit.

[Oo. Si Shane to. Where did you get my number?] Message Sent.

SFX (Text Message Ringtone) Reading a text.

[Kay Conan. Yung classmate mo sa school.]

Nag-umpisa na yung pag-uusap namin ni Jeffrey through text. Hindi ko nga inaasahan na magiging close kaming dalawa kasi akala ko talaga sya yung kaibigan ni Aileen pero nakita ko sya sa Facebook at nagkamali nga ako sa akala ko.

SFX (Phone Ringing)

Tumatawag si Jeffrey. Sagutin ko nga.

"Hello."

[Hi Shane. Uhmm.. Busy ka?] tanong ni Jeffrey sa kabilang linya.

"Ay.. Hindi naman. Wala nga akong ginagawa dito sa bahay."

[Uhmm.. Shane. Yung tinext ko sayo last day..]

"Ano nga yun?" I giggled. "Marami kaya tayong pinag-uusapan. Araw-araw tayong magkatext," dagdag ko.

[Oo nga no? Yung ano, sa totoo lang Shane.. masaya ako sobra na nagkakilala tayo. Ilan buwan na rin ang lumipas. Parang iba na yata ang nararamdaman ko para sayo.]

Napangiti ako. Kinikilig ba ako?

"So, anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.

[Uhmmm. Shane. Pwede ka bang ligawan?]

Nagulat ako sa sinabi ni Jeffrey sa akin. Pwede namang magkarelasyon through text di ba? Binigyan ko sya ng chance. Who knows? Baka magustuhan ko rin sya. Pero nagkasundo kami na tsaka ko lang sya sasagutin kapag nagkita na kami in person. At dumating nga yung araw na yun.

"Hi Shane! Ako pala si Jeffrey yung katext mo," nag-shake hands kami.

"Oh.. Hi Jeffrey. Nice to meet you."

"Kanina ka pa? Nasaan na yung mga barkada mo?" tanong nya sa akin habang naglalakad kami.

"Mamaya pa siguro sila. Diba sinadya nga natin na agahan sa meeting place para medyo mahaba yung time natin together."

"Oo nga no?" he giggled. "Salamat pala kasi nagkita na rin tayo. Alam mo maganda ka sa Facebook pero mas maganda ka pala sa personal." sabi nya.

Napangiti ako. Kinilig ako dun ah!

"Sus! Napakabolero mo talaga no?"

"Hindi no! Totoo yung mga sinasabi ko."

Sa Isang Saglit (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon