Naalimpungatan ako sa cellphone kong kanina pa ring ng ring. Hindi ba alam ng istorbong 'to na puyat ako kakabasa ng wattpad kagabi? Kinapa ko ang cellphone ko sa side table sa kama ko at pinilit kong ibuka ang mga mata ko para makita kung sino 'tong walang hiyang istorbo ng tulog ko.
Flor Calling..
Flor naman. Istorbo ka naman! Sinagot ko ang tawag nya.
"Flor! Inaantok pa ako, mamaya ka na pwede?" inis kong bungad sa kanya.
"Gaga ka Raely! Tanghali na!" natatawa nya pang sabi sa akin.
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. 12pm na pala? Agad-agad? Bakit parang pakiramdam ko 5 minutes lang yung tulog ko?
"Ano ba kasing kailangan mo?" inis ko paring sabi sa kanya.
"Girl, fiesta bukas kina Albert. Ininvite tayo ni Bakla na pumunta sa kanila kasi may disco pa mamayang gabi." tuwang-tuwang balita sa akin ni Flor.
Wow. Disco? Game ako dyan! Party-party at maraming catch. Catch as in boys. Haha. Nandito kasi ako sa probinsya at kapag fiesta dito naghe-held ang lugar ng disco o contest.
"Talaga?" napabangon ako.
"Yes! So ano sama ka?"aya niya sakin.
"Sure! Ako pa ba? Gora tayo Girl!" excited kong sabi sa kanya.
Malapit ng kumagat ang dilim nang magkita kami ni Flor sa highway. Sumakay kami sa Jeep. Tinatawagan ni Flor si Albert pero hindi nya makontak.
"Gaga talaga yung baklang yun. Hindi ko makontak sya pa naman nag-aya." padabog na pinindot ni Flor ang off button ng cellphone nya ng magsabi ang operator ng cannot be reached yung tinatawagan nya.
"So tuloy parin tayo kahit hindi natin makontak si Alberta?" tanong ko sa kanya.
"Nag-GM naman ako sa mga friends natin kung sino-sino ba yung pupunta. Sila pa ba papakabog? Marami namang pupunta so sa kanila tayo sasama." bumalik naman ang excitement sa mukha ni Flor habang nakatingin sa cellphone nya habang nagbabasa ng text na hindi ko alam kung sino.
"Sino-sino naman?" tanong ko ulit sa kanya.
"Sina Jay-ar, Angelou, Ramil at si Robert." sagot ni Flor na hindi man lang tumitingin sa akin.
"Ah." parang nawalan ata ako ng gana. Hindi ko kasi close yung mga sinabi nyang pangalan. Bahala na nga.
Nakarating na kami. Sa isang basketball court ginanap ang disco. Nag-uumpisa ng umingay ang paligid. Ang dami ng tao sa loob! Yes, party-party na ito! Nakita naman namin kaagad ang mga kaibigan namin na sabi ko nga hindi ko masyado close sa labas ng court, agad naman kaming lumapit.
"Jay-ar!" tawag ni Flor habang papalapit kami.
"Flor! Kanina pa namin kayo hinihintay eh." nakipag-apir si Jay-ar samin. Kumaway naman ako sa mga kasama nya. Nakita ko na serious na nag-uusap si Robert at si Angelou. Ano naman kaya pinag-uusapan nila at mukhang seryoso naman masyado tapos ngayon pa talaga na masyadong maingay at hello! party-party dapat tayo dito!
Si Robert, ang cute talaga nya kaso may girlfriend. Hindi si Angelou ha? Si Sheila. Teka? Bakit wala nga pala si Sheila? Pakialam ko naman. Baka LQ sila.

BINABASA MO ANG
Broken And Beautiful: A Short Story Collection
Historia CortaNa-in love ka na ba nung high school, at inakala mong siya na talaga, gaya ni Eyer? Na-in love ka na ba sa taong mukhang inosente pero may tinatagong dilim sa mga mata, katulad ni Akiko? Sa taong akala mo wala lang, trip-trip lang, pero nung nahulog...