Yumie POV
Nandito na kami sa clinic at kasalukuyan nang ginagamot yung lalaking binugbog nung mga lalaki kanina.
"Yumie---"
"Ate!"Putol ko sa sasabihin ni Uewen.
Nakita ko syang napakamot sa ulo nya at saka tumango bago umupo sa tabi ko.
"S-salamat sa pagliligtas sakanya"Sabi nya habang nakangiting nakatingin dun sa lalaking nakahiga sa kama ng clinic at kasalukuyan paring ginagamot.
Nawalan sya ng tuluyan ng malay kaya dinala na sya dito matapos yung eksena.Buti nalang at dumating yung Sama ng Loob kasama yung mga kaibigan nya at tinulungan kami.
Yun nga lang,bwiset yung dahilan nya ng pagtulong samin.
Flashback
"Stop this bullsh*t,Bryson"Pigil nitong si 'Terrence' kuno.
Tatawa-tawang humarap itong si Bryson pala dito kay Sama ng Loob.
"What?I'm just asking her name by the way"Nakangisi pang sabi ni Bryson.
"Leave it to me"Ngayon ay nakangisi naring sabi ni Terrence saka tumingin sakin at matindi-tinding ngisi pa ang binigay sakin.
"She did interrupt me,us"Sabi naman ni Bryson pero tinignan lang sya ni Terrence na parang nag-uusap sila sa mata.
Maya-maya pa ay bumaling si Bryson sakin dahilan para bahagya akong mapaigtad sa gulat.Yung tingin nya at yung ngiti nya sobrang nakakaloko.
"Next time--mind your own business"Nakangising sabi nya bago tumalikod at senyasan yung mga kasama nyang umalis na.
Wala po akong business
"Help him"Utos ni Terrence sa mga kasama nya habang nakatingin parin sakin.
Pero hindi ko na sya pinansin at tinalikuran na sya para tulungan itong si kuya'ng nabugbog.
Nang mabuhat na sya nitong mga kaibigan ni Sama ng Loob,akmang maglalakad narin kami pero nagsalita na muna itong si Terrence.
"Wait until you meet hell"Pahabol nya at hindi ko alam kung ako ba yung sinasabihan nya o itong lalaking walang malay na dala ng tatlo sa mga kasama nya.
Dahan-dahan ko syang nilingon nagbabakasakaling hindi ako yung tinutukoy nya.
Pero mabilis na naglaho yun ng makita kong sakin sya nakatingin habang nakangisi.
EndOfFlashback
"Bakit sya binanatan nung mga yun?"Tanong ko kay Uewen matapos ko syang ngitian sa sinabi nya.
"Kasiii...sya,si kuya ko---"Agad kong pinutol ang sasabihin nya dahil nadin sa gulat agad akong napasigaw.
"KUYA?KUYA MO YAN?"
Agad kaming pinagtinginan ng mga school nurse at iba pang tao na nandito sa loob ng clinic.
Nang dahil din sa sigaw ko na yun nagising itong lalaking kuya nga daw nitong si Uewen.Napalakas ata pagkakasigaw ko.
"Boses"May diin at pahiwatig sa pagkakasabi nung nurse kaya agad na napatikom ang bibig ko na nakanganga dahil sa gulat.
Hinila ako ni Uewen palabas ng clinic at hinila sa di kalayuan sa clinic na yun.
"Ba't ka sumigaw?"Parang may inis na sabi ni Uewen ng makaupo kami sa isa sa mga bench.
"E...nagulat ako kasi"Kamot-ulo'ng sabi ko.

YOU ARE READING
I love you,my Bad Boy
RomanceIsang simpleng babae lang naman ang isang Yumie Gale Fencir, isang babaeng nay tinatago ring ilihim, pero anong lihim kaya? Pero para sa iba isang tipikal na babae na hindi naman ganun kaganda pero kababaliwan ng isang sikat na lalaki sa school nila...