Yumie POV
Manila
Kakababa ko palang ng eroplano at ngayon ay hinahanap ko nalang si Kuya Kiel na syang sasalubong sakin pagdating ko dito.
Ilang beses ko pang iniikot ang mga mata ko bago ko pa sya makita.Kunot na kunot ang noo nya na hindi na din naman na bago para sakin.Sa twing uuwi at bibisita nalang kasi sya sa probinsya namin sa Bicol kunot ang noo nya at parang binagsakan ng langit at lupa at pasan lahat ng problema.Pakipasan nung sakin.Haha
"Kuya"Tawag pansin ko sakanya habang nakangiti syang nilalapitan.Kita ko ang pagkaalis ng kunot nyang noo at malamlam na tinignan ako animong namimiss nya ko.
Matagal narin kasi kaming hindi nagkikita ni Kuya mahigit dalawang buwan narin siguro.
"Glad your here,let's go"Bungad nya.Bagsak ang balikat na sumunod ako sakanya.Ang akala ko kasi yayakapin nya ko at guguluhin ang buhok ko dahil namiss nya ko,pero nagkamali na naman ako.Malakas akong napabuntong hininga saka pinagpatuloy ang paglalakad pasunod sakanya sa sasakyan.
"Hop in"Utos nya.Sumunod nalang din ako matapos ngumiti sakanya na pilit itinago ang lungkot.
Umikot sya papunta sa driver's seat saka nagsimulang magmaneho.Walang sinuman saming dalawa ang nagsasalita at nakakabingi ang katahimikan kaya naman kinuha ko nalang ang phone ko na palagi kong dala saka ang earbuds para makinig ng music.
Isang earbuds lang ang gamit ko para naman marinig ko ang mga sasabihin nya kung sakaling magsalita sya.
"I think that's the reason why mom was sometimes irritated with you,Yumie"Walang emosyong sabi nya at nakatingin lang diretso sa daan.
"Bakit?"Patanong kong sabi.
Bakit ako palagi yung mali?Bakit mali sakanila na gumamit ako ng gadgets?Bakit palaging mali sakanila na aliwin ko man lang ang sarili ko kahit sa gadgets man lang?Bakit?
"Anong bakit?"Bakas ang iritasyon na sabi ni Kuya saka lamang ako tinignan.Pero mabilis lang yun at ibinalik din nya ang mata sa unahan.
"Control your time in your gadgets,atleast with that,mom can lessen her irritation towards you"Maya maya ay dagdag nya at binigyan ulit ako ng mabilisang tingin.
Ayokong makaramdam ng galit o kahit iritasyon man lang sakanya o kaya naman sakanila.Pero...minsan kinakapos din ako ng pasensya.Sa pagkakasabi kasi nya nun parang ako pa yung mali.Ako naman talaga pala palagi yung mali,pati nga ata paghinga ko mali.Napatawa nalang ako ng mapait.
"Bakit?"Wala sa sariling tanong ko ulit habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Anong bakit ba?"Iritadong sabi ulit nya.
Mas lalong gustong sumabog ng puso ko sa pagtatanong nya hanggang sa namalayan ko nalang na umiiyak na pala ako habang nakatingin parin sa bintana ng kotse.
"Yumie..anong bakit?pinagsasabihan lang kita na bawasan mo yang pagga-gadgets mo dahil isa yan sa dahilan kung bakit nagagalit si mom sayo"Sabi nya.
Nagpintig ang tenga ko at hindi ko alam kung saan ko nakuha ang galit na lumukob sa puso ko.
Humarap ako sakanya habang marahas na pinupunasan ang mga luhang kumawala sa mata ko.Sya naman ay nakatingin parin sa daan at pasulyap-sulyap lang sakin.
"Ha?Oo nga naman...Isa sa dahilan--ang dami kasing dahilan noh,pero hindi ko mawari kung ano...eto ako nangangapa sa posibleng dahilan na yun.At ano ba yung maling ginawa ko?lahat ba?Lahat ba para mairita at magalit sya sakin.."Hindi ko alam kung paano ko nasasabi at nasasagot si Kuya ngayon pero pakiramdam ko kapag hindi ko pa inilabas ito ngayon mas bibigat yung nararamdaman ko.

YOU ARE READING
I love you,my Bad Boy
RomantizmIsang simpleng babae lang naman ang isang Yumie Gale Fencir, isang babaeng nay tinatago ring ilihim, pero anong lihim kaya? Pero para sa iba isang tipikal na babae na hindi naman ganun kaganda pero kababaliwan ng isang sikat na lalaki sa school nila...