Natapos ang araw na yun na parang ang daming nangyari.Pagdating ko sa bahay ay pasalampak agad akong humiga at di kalauna'y nakatulog nang hindi pa nakakakain.
Ang hirap mag-aral.
Ay charot.Bukas pa pala magsisimula yung klase.Pero advance ako ba't ba.
Maaga akong gumising kinabukasan dahil nga simula na nang klase ngayon.Tag-hirap na naman.
"Bilisan mo nga mali-late na ko Yumie,iiwan kita 'tamo"Naiinis na sabi ni kuya eh ang aga pa naman.
"Kuya maaga pa naman kakain muna 'ko"Sabi ko at akma ng uupo at magsasandok ng hilahin nya ko palabas buti nga at sukbit ko na ang bag ko ang problema lang,kahit tinapay wala akong nadala.
"Kakain pa nga parang tanga naman"bulong ko sa gilid habang umiirap-irap.
Nagugutom ako hindi nga ako kumain kagabi.Kuya mo bangag.
"May binubulong ka?"Tanong nya.Binalingan ko sya ng tingin at masamang tinignan siguro naman kita nya ko sa pheriperal vision nya.
"Kita mong di pa ko kumakain mula kagabi tapos hindi mo ko pinakain ngayon aba wala kang konsiderasyon Kiel ha"Sabi ko habang nakanguso at nakacross arm pa.
Tinigil nya yung sasakyan at kunot noo akong tinignan.
"Hoy Yumie Gale hindi kita tinuruan ng ganyan ha,sasampalin kita"Sabi nya.
"Hindi mo naman talaga 'ko tinuturuan,nung tinulungan mo ko sa assignment ko sa math bugok nakuha ko oy"Bawi ko naman.E pano dati nagpatulong ako sakanya sa math tapos sinulat ko naman yung sagot nya tapos mali lahat.
"Tanga ka,pano kang tatama dun eh shinort cut mo yung equation na sinulat ko tapos gumawa ka ng sarili mong equation para mapabilis,mali naman"Sabi nya at inirapan ako.Inismiran ko nalang sya at tumingin sa daan hinihintay siyang paandarin ulit ang sasakyan.
Pinaandar narin niya ang kotse at saka taka akong napatingin sa labas ng tumigil kami sa McDo drive thru.
"What's your order ma'am?"tanong nung crew kaya tumingin ako kay kuya,tumango naman siya kaya bumaling ulit ako sa crew na naghihintay na ng order ko.
"Ahm pwede lahat?"seryosong tanong ko sa crew.Nag-aalinlangan namang siyang tumango.
Pangiti na sana ako ng batukan ako ni kuya kaya inis ko siyang tinignan.
"Sige basta ikaw magbabayad"Sabi niya.
"Yung ano nalang ate spaghetti dalawa,burger tatlo tsaka fries lima tapos dalawang mcfloat thankyou"Order ko na.
"Ikaw 'di ka oorder?"Tanong ko kay kuya.
"What?andami mong inorder sayo lang lahat yun?"Kunot noo niyang sabi kaya tatlong beses akong tumango.
Inirapan nya pa 'ko."Fine burger nalang dalawa and isang mcfloat".
Binalingan ko ulit yung crew at sinabi sakanya lahat.
-
"Uewen"Mahina kong tawag kay uewen at bahagya siyang kinulbit lumingon naman siya agad sakin.
YOU ARE READING
I love you,my Bad Boy
Roman d'amourIsang simpleng babae lang naman ang isang Yumie Gale Fencir, isang babaeng nay tinatago ring ilihim, pero anong lihim kaya? Pero para sa iba isang tipikal na babae na hindi naman ganun kaganda pero kababaliwan ng isang sikat na lalaki sa school nila...