Chapter 5

13 2 2
                                        

Yumie POV

Para akong zombie'ng pumasok sa gate ng eskwelahan namin.Habang naglalakad kapansin-pansin ang mga tingin nila sakin,may iba ding bumabati ng good morning kaya wala akong magawa kundi ang bumati pabalik.

Patuloy lang ako sa paglalakad ng biglang may humablot sakin at ipinasok ako sa isa sa mga room na nadaanan ko.

"Hoy,ano ba may klase pa ko?"Mahinang sabi ko na nagmukhang bulong sa hina.Parang any time babagsak na ang talukap ng mata ko.

"Hala klasmeyt!!ito yung room natin kaya"Sagot nung nagdala sakin dito sa classroom nato.

"Hindi,yung sa kabila pa...yung classroom ko"Paputol-putol na sabi ko dahil sa antok.Gusto kong matulog.

"Hala kaaa.Ate Yumie anyare sayo?Eto classroom natin"Narinig ko nalang na salita ni Uewen kaya inangat ko ang ulo ko para makita sya.

"Ha?Diba yung sa...kabila?"Tanong ko.

Ilang segundo din silang tahimik hanggang sa bigla nalang silang tumawa ng wagas na parang wala ng bukas.

Agad ko silang kinunutan ng noo sa mga inaasta nila.Yung iba halos humiga na sa sahig,si Uewen naman may pahampas-hampas pa sa mesa ng mga upuan.

Nang makumpirma ko ngang ito nga talaga ang classroom namin.Nakayuko akong lumakad papunta sa likod sa may upuan ko at dumukdok.Gusto kong matulog.

Pinabayaan ko nalang silang tumatawa ng tumawa.

"Here"Sabi nang kararating lang na lalaki na hindi ko makilala dahil nga nakadukdok ako sa mesa ko.

Nang iaangat ko ang ulo ko ay nakakita ako ng reyna...ay este si Quen yung nakita ko.May inaabot sya saking?Kape.

"Ha?Kape?"Pupungay-pungay ang matang sabi ko.Pero hindi nya ko sinagot sa halip ay inilagay nya lang ang kape sa table ko at umupo sa katabi kong upuan.

"HAHAH inumin mo na ate,mukha kang...HAHAH...muka kang zombie sa laki ng eyebags mo"Sulpot ni Uewen na parang tangang tawa ng tawa.Yung kaninang mga kaklase ko ding tumigil na sa kakatawa ay heto na naman at wagas na naman kung tumawa.

"Gago"Singhal ko na mas ikinalakas pa ng tawanan nila.

Ininom ko nalang yung kapeng binigay ni
Quen para kahit papano mawala ang antok ko.

Matapos kong inumin yun ay saka ulit ako dumukdok sa mesa ko.Mabuti na nga lang at tuwing lunes lang ang flag ceremony.

Habang nakadukdok sa mesa ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ko.Kasalanan to ni kuya,bwisett.Halos magdamag akong pinagalitan,binibigyan na nga ng pizza hindi daw sya masusuhulan.

Tapos nung patulog na ko bigla namang tumawag si Jeff,kaya wala naman akong nagawa kundi ang sagutin.Nagsleep-over sila sa bahay nina Zyden.Habang nakikipag-usap sakanila hindi ko na namalayan ang oras kaya eto ang kinalabasan.

Uewen POV

"Ms.Fencir"Tawag ni miss ng nagro-roll call na sya ng mga pangalan namin.Pero dahil tulog etong katabi ko,e walang sumagot pano ba naman sasagot e tulog.

"Ms.Fencir"ulit ni miss pero hindi parin sya nagigising kaya ako nalang ang sumagot.

"Present miss,tulog nga lang hehe"

"What?At my class?"Inis na sabi ni miss pero tinanguan ko nalang sya.

Dali-dali syang tumayo at pumunta sa tapat ng upuan ni Ate Yumie.

I love you,my Bad BoyWhere stories live. Discover now