There are persons na talagang d natin inaasang makatagpo at makilala.
Sila yung mga taong maaaring mabilis makalimutan at sila din ang mga taong pwedeng lumipas na ang ilang taon pero d pa rin natin nalilimutan.
Parang ikaw...
"Uy, si TL mo oh, look nandyan sya !"
Pasaway na bestfriend niloloko na naman ako.
Si True Love ko daw? Haha. Napailing na lang ako sa kanya tsaka nagpatuloy sa pagkuha ng picture.
"Ibang klase ka rin ano Joan, stick-to-one, never say die? hahaha"
Di ko na lamang pinansin ang sinabi nya at nagpatuloy na lang ulit sa pagkuha ng pictures. Ayoko na lang pansinin ang sinasabi nya kase baka maisip na naman kita...
"Hayss... iniisip mo parin sya ano? Wengya Ate uso na po ang magmove on! Tagal na nyan ah!" 3 months? 1 year? 2 years ? or maybe 2½ na ? Aish ewan ... kahit ata isang dekada pa ang lumipas di ko pa rin masasabing makakamove on ako sayo paano ba naman e halos ilang taon ko itinago sayo ang tunay kong nararamdaman....
Kindergarden. Sa ganyang taon kita nakilala. Cute at Chubby ka pa nun. Hahahaha ang dungis mo pa nga lagi e . Lagi tayong makasama noon, naglalaro, kumakain, napapaunahang makatapos ng seatwork, paramihan ng stars at iba pa. Lagi tayong magkasama, di tayo mapaghiwalay nun!
Pero noong Grade 3 ako, napagpasyahan ng family namin na itransfer ako sa ibang school at lumipat ng bahay.
Naiiyak ako nun kase d na kita makikita.
Ngunit matapos nang 3 taon,
Grade 6, nagkita ulit tayo, sa ibang eskuwela nung lumipat ulit kami at itrinansfer ako ulit sa ibang school.
Bago ako sa school na yun, samantalang ikaw datihan na. Haha ansayang alalahanin nung mga panahong itinutour mo pa ako dun sa school mo .
Paborito nating lugar pa nga noon e dun sa garden.Lagi tayong andun para kumuha ng pictures. 'Headquarters' pa nga tawag natin dun e. Lakas trip.
Sabi mo pa nga sa akin nun e "Walang iwanan tayo ah, promise mo yan!"
Sobra akong natuwa nun, sa sobrang tuwa ko, di ko alam na masasaktan din ako sobra...
Nung maggraduation na , nalaman kong lilipat ka na ng school.
Nalungkot ako nun sobra...
'Asan na yung usapan nating 'walang iwanan' ?"Pero ano ba magagawa ko? D ba?
Noong nasa lower grades pa tayo di pa alam yang crush-crush na yan at d ko rin yun iniisip basta alam ko lang na masaya ako pag kasama ka at sobrang malulungkot ako pag nawala ka .
Pero nung araw ng graduation day natin sa elementary dun ko na pagtanto na crush na nga kita.
Nung first year highschool ako, laking gulat ko nang makita kita sa room. At bigla mo na lang akong kinuhanan ng picture gamit ang camera mo.
Di ka nun chubby at madungis. Malinis, di man ganun kakisig e pasado na, at ang gwapo nun. >\\\\<
You smiled and said "First day of high school, exciting isn't it?"
"Akala ko ba lilipat ka na?" Halos maiyak na ako nun.
"Hmm.. bakit gusto mo na ba akong lumipat?" then you chuckled.
Sa sobrang tuwa ko, di ko na napigilan ang sarili ko at niyakap kita ng mahigpit.
At first, nagulat ka at dahil dun ay napabitiw ako sayo nun at nahiya ako.
BINABASA MO ANG
Mga Kwento Ni Pagong
Novela JuvenilHi Guys! Ako nga pala si Pagong ! ∩__∩ Just Call me Pags if you want hehe alam ko namang mga tamad kayo e ! Kaya imbes na 2 syllables , isa na lang para sa inyo xD Bat may ganitong pakwento- kwento pa akong nalalaman? Simple lang sagot dyan! Sawang...