The One I Love

24 1 0
                                    

Sa isang classroom....

Ay makikita natin sina Dina at Jam, mga 3rd year college students ng isang pampublikong unibersidad.

They were the best of friends since nasa 1st year H.S palang sila.

Nung araw na iyon bagot na bagot na si Dina sa mga klase nung araw na iyon kaya naman ito ay nagpasyang lumabas at sa kanyang paglabas ay sumunod din si Jam .

Minsan talaga naisip nya na bakla itong kasama nya . Paano ba naman? Wala pa ni isang naging girlfriend ang best friend nya , ni crush na babae nga wala e . Nireretuhan nya si Jam ng kung sinu-sinong magagandang babae pero d man lang ito pinagpapansin ni Jam.

TAMA ! BAKLA TO! TAMA !

yan ang nasa utak ni Dina ngayon naisip nyang komprontahin na ito pero nahihirapan sya dahil nya namang magalit ang kaibigan...
Alam ko na! *Light Bulb*

"JAM!" sigaw ni Dina kay Jam

" Nyeta Dina !! Wengya ! anu ba trip mo? Bat naninigaw ka ha?! " asar na angal ni Jam

"Hehe sarreh na bes ... hmm... bes pwedeng magtanong? " sabit ni Dina.

"Nagtatanong ka na nga e -_- " sarkastikong sagot ni Jam.

*glare*

" Haha oo na bes Dina oo na ano ba tanong mo? " bawi ni Jam.

" We're best friends, am I right? " tanong ni Dina

" Syempre naman ! Anonv klaseng tanong ba yan Dina? " tugon ni Jam

" I just wanted assurance .... now Jam I want you to be honest with me, okay? "

"Sure ! But wait parang kinakabahan ako dyan sa tanong mo ah ! Haha lol anu ba kase yun? "

"Ito na kase ! Wag ka nang maingay ! *Inhale* *Exhale* in this school , may nagugustuhan ka ba? I mean in general ah! pwedeng babae .. pwedeng lalaki pwedeng ano--"

"WHAT?! WAIT A SEC ! ARE YOU THINKING THAT I'M GAY OR WHAT?! " hiyaw ni Jam

"Ah well ano... ah amm.. n-not exactly na g-ganun bes its just that na---"

"SO YOU WERE REALLY THINKING THAT I'M BISEXUAL! WTF DINA?! "

Tumango si Dina bilang tugon .

"Kasi naman for halos 7 or 8 years nating magbest friend ni hinde ka man lang nagkaroon ng karelasyon kaya akala ko.. ayun nga T.T " depensa ni Dina.

" Hayss... its not like you think na bakla ako ... its just that I don't like anybody or any girls ... ...

coz.. coz I'm inlove with someone to the mere fact na natotorpe ako " sagot ni Jam

" Aish ! May nakukursunadahan ka naman pala d mo sinabi sa kin! " sabi ni Dina sabay pout.

" Its just that I'm deeply madly inlove with her. " sagot ni Jam

" E bat di mo ligawan Jam? "

"I dont want to lose our friendship." Tipid na sagot ni Jam.

"Hayss!!! Wag kang nega dyan! Malay mo gusto ka din pala nya tas iniintay ka nya lang pala ! D ka dapat matakot Bes!" Payo ni Dina.

" E panu pag nireject nya ko? Panu pag iniwasan nya ako ? ano na ako Dina? Nganga . Ang mahirap kasi sa inyong mga babae e di nyo alam kung gaano kahirap para sa aming mga lalaki yung panliligaw, its either sasagutin o irereject ka."

"E mas lalo ka namang Nganga kung d mo susubukan! Bat d mo muna subukan ?! Yan mahirap sa inyong mga lalaki e ... gusto agad-agad ! Ayaw nyong maghintay ! Ayaw nyong mahirapan ! Gusto nyo pag nanligaw kayo sagot agad ! Uy FYI lang Mr. Torpedo pag may gusto dapat pinaghihirapan uy! " sagot ni Dina sa kanya.

" Hays! Tama na nga ! Bat ba natin to pinagtatalunan! Aish ! Itigil na nga natin to bwiset! " bulyaw ni Jam

Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"Pero kung sinu man sya bes , alam mo bang ang swerte nya . " panimula ulit ni Dina .

"Bat mo naman nasabi?" Tanong ni Jam.

"Kase may nagmamahal sa kanyang katulad mo... mabait , valedictorian, d man ganun kayaman nakakaraos naman kasi maparaan ka , maalaga ka rin , oo minsan pilosopo at sarkastiko ka pero makulit at malambing ka din naman, ang saya mo pang kasama at yeah ... I admit na ano bes ... hmm.. g-gwapo ka din .. oh! wag lalaki ang ulo ha?! "

"Hahahahahaha ! Totoo bes ?! hahaha sabi na e pinagnanasaan mo ako e hahaha gwapo ako e ! Hahaha --- aaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!" Biglang kinurot ni Dina si Jam .

"Kapal mo! anong pinagnanasaan ? Asa pa more ! " sabi ni Dina .

" Haha oo na lang xD ...pero bes .."

"Hmm? Ano yun bes ?" tugon ni Dina

" Sa tingin mo ba magugustuhan nya ako? " tanong ni Jam

"Para sa kin oo... alam ko na ! "

"Anong alam mo na? "

"Tutal kanina pa ako kating-kati na malaman kung sino yang babaeng yan at ikaw naman ay d makaamin may naisip akong paraan ^_^ !"

"Anu naman yun ?"

"TAWAGAN MO SYA!" Sigaw ni Dina

"BALIW ! Anong tawagan? Tss .. sira ka talaga ! At kung tawagan ko man sya anong sasabihin ko?!"

" Hmm... ah! Sabihan mo sya ng I love you tas baba mo agad yung phone! " sagot ni Dina

"Tss... bahala ka nga dyan ewan ko sayo ! "

"Eeeee! sige na bes !"

At kinulit na nga ni Dina si Jam hanggang sa ..

"Oh eto na tatawagan na saglit "

Tinawagan nga ni Jam ang kanyang minamahal .

"Ay teka Jam ! Ah may tumatawag din sakin sagutin ko lang tuloy mo lang pagtawag mo din dyan ah! "

Nakita nya ang taong tumatawag sa kanya --- si Jam, sinagot nya ito at...

"I Love You Dina" sabi ni Jam sa kabilang linya.

Mga Kwento Ni PagongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon