#NoGunsNoEntry Same

107K 3.2K 547
  • Dedicated kay To all my readers, best comment goes to everyone! <3
                                    

Maiksi at simple lang ang UD na ito bilang buwelo sa matagal kong pagkawala (patawad poooo hehehe) at sa magaganap na mga bagay. Thanks.

--

Ang sakit sa paa. Agad na inalis ko ang heels ko at hinagis ito sa kung saang parte ng Master's Bedroom at saka ko binagsak ang bag ko at humiga sa kama. It's been a long journey. Tinatamad talaga akong kumilos pero sinilip ko sa side table kung anong oras na.


Seryoso? 6PM pa lang. Tatlong araw na ako dito sa Pilipinas at wala akong ibang ginawa kundi ang asikasuhin ang ibang mga business namin.  


Damn. Nagugutom na naman ako. Nakakainis naman eh. Pagod na nga ako tapos nagugutom pa. Tinatamad akong gumalaw. I have no maids. I fired them all. Naiirita kasi ako. Puro sila usap ng ang topic ay iyong 'ako' dati at ang kasungitan ko daw ngayon. Hinihingi ko opinyon nila? Tsk. Tsismisan ng tsismisan. Si Yaya na lang ang natira sa mga maid, pero wala siya ngayon dito. Nandoon siya sa kabilang mansion na tinutuluyan ni Lolo.

I am busy with my thoughts when the phone rang. Tiningnan ko kaagad. It's Thres. Sinagot ko na kaagad dahil naiinis na naman ako sa ringtone pero tinatamad naman akong palitan. Tsk. Ang tamad ko bwiset.


"Nasan ka?" bungad na sabi ko kay Thres pagkatapat ko ng phone sa tenga ko.



"Don't tell me gutom ka na naman?" I rolled my eyes. Ano ngayon kung gutom ako.


"Asan ka? Iyon ang tanong ko hindi iyong kung ano ang opinyon mo." malamig na sabi ko. Naiimagine ko ng sinimangutan lang niya ako. "Buy me fries. Be here in fifteen minutes."


I heard his complain pero hindi ko na tinapos pa iyon at pinatay na ang phone ko. Damn. 6:12 na. Kapag 6:27 pa wala yang fries ko, humanda siya.

Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako sa kakahintay. Nagising lang ako ng isang malaking unan ang lumanding sa mukha ko. Pabalibag na inalis ko ang unan at tiningnan ng masama ang lalaking bastos.

"Get up. Eto na yang fries mo. But eat this meal first bago yang fries. You need rice para hindi ka magka-ulcer." mahaba at poker face na sabi niya. Katabi ng dalawang large fries ay ang isang fried chicken na nakalagay na sa plato at carbonara. Teka, san niya kinuha yang carbonara? Niluto niya? Tsk. Dami arte. Fries lang gusto ko eh. Rice daw? Eh bakit pasta ito? Tsk.


Hindi na ako umangal dahil gutom na talaga ako. Kinuha ko iyong plato at kumain sa kama ko. Kumuha naman siya ng isang large fries at tumabi sa akin sa kama.

Tahimik lang kaming kumakain. Hindi ko trip dumaldal at hindi rin siya mahilig dumaldal. Tahimik lang na naka-upo. Okay na.

"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Thres sa akin.

"Bukod sa paalisin ka sa kuwarto ko dahil matutulog na ako.. wala na." sabi ko sabay higa at talukbong ng kumot.

"Tsk. Not that. I mean... will you visit the Academy soon? You still need to graduate there. It's been two months since the class opening."

Tsk. Sabi na nga ba at iyon ang itatanong niya. Umupo ako at tiningnan siyang maigi. He is serious. I am serious too. Well, I think it is about time.

"I'll visit tomorrow. Enrolled me the next day." sabi ko sabay higa. I'm tired. Too tired.

"Will you tell them na ikaw si Zitty?" I don't need to think para sagutin ang tanong niya.

"I won't. But I will tell them that I am the Empress. If they think that I am Zitty or not, it's up to them. I don't care. Fck them all. I will embrace my power and use it against that girl." ramdam ko ang pait at galit sa bawat katagang sinasabi ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Thres bago lumabas at sinarado ang pintuan.

No Guns, No Entry | Gangster Academy: Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon