#NoGunsNoEntry Letting Go

40.2K 1.2K 442
                                    

Alam niyo kung ano ang isang bagay na ayoko sa isang party? Iyon ay ang moment na nagdecide kang mag step back sa party at titigan ang nangyayari sa gilid. You'll see how little you are in this world.


"Coldie! Ano? Tara sayaw tayo!" yaya sa akin ng isang lalaking hindi ko type ang sense of style. Hindi kasi bagay ang bright orange niyang suot sa dark violet na gown ko.


"Kring! Kring! Kring!" Yup. I made a phone call sound using my own voice para hindi niya ako mayaya.


"Ah! Hello?! Hello?! Oh ano na? Ay talaga! Mabuti naman nanganak na si Barney! Oo. Babae na bigla si Barbey. Wag kang kokontra. Isa na akong lola! Mygosh! I am so old na like dinosaur old. Oh yeah!" sabi ko sa kamay ko. Palad ko ang ginawa kong telepono. Ewan ko lang kung hindi pa niya magets na ayaw ko siyang kasama.


Lumayo na agad ako bago pa makapagreact si Kuyang Bright Orange. Para siyang walking poncan sa totoo lang.


Doon na lang ako pumunta sa pinakadulong table. Hindi gaanong madilim pero hindi siya matao kaya okay siya para sa akin.


Simula ng mawala si Zitty dati, hindi ako gaanong bumalik sa dating ako. Granted sa mata ng iba ako pa din ang Coldie na walang ibang ginawa kundi mangolekta ng violet things and barney things. Don't get me wrong.. I still love those things.


Kaso, minsan sa buhay ng isang tao may mga bagay na dadating at babago sayo ng hindi mo nalalaman. Magigising ka na lang na iba ka na. You look the same but feel different.


I am looking at a person right now. Sky.. Parang nananadya pa ang sounds dito sa party dahil biglang nagplay ang Steady ni BP Valenzuela.


Iyong totoo universe? Kailangang iyong song na magplay about sa di kayo pero parang kayo situation?


I'm not a book to be read. It may look nice in your head but is it ever really more than that?


Nakatitig ako ngayon sa kanila ni Azul. May pahampas-hampas pa si Azul sa braso ni Sky. Bakit ganon? Kapag nakikipaglandian ang taong gusto mo sa iba parang nag-s-slow motion pa sila sa utak natin?


Buti pa sila, going strong. Ako hanggang ngayon broken. Minsan talaga napapaisip ako, tama ang kanta. Is it really more than that? Is it really more than landian? Is it really more than the kilig? Or its just me.


More than circumstance

Is it just loneliness or what did you expect?

But it's still different
Beyond the second hand
Thought i was over that


Yeah. Ayan tayo eh. Nag-eexpect tayo ng mga bagay. Nag-eexpect tayo ng feelings. Minsan talaga bored lang sila. Tulad ni Sky, bored siya sa paghihintay sa sagot ni Azul.

No Guns, No Entry | Gangster Academy: Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon