Chapter 1

15 1 0
                                    

“Chichu? Gising na. . Mag- aalmusal ka pa. . .”

Napagising ako dahil sa narinig kong tawag sa’kin ni Mama. Dahan- dahan kong iminulat ang aking mga mata at iniunat ang aking katawan para magising na din ang buong diwa ko.

Bumangon na din ako mula sa pagkakahiga at umupo sa dulo ng aking twin-sized at malambot na kama para sulyapan sa huling pagkakataon ang aking kwarto bago ako pumatungo sa college.

Nariyan ang aking mga Pokemon plushies na ang iilan ay sa aking kama at ang iba ay nakapatong sa mesa na katabi lang din ng kama ko. Nariyan din ang mga poster ng mga paborito kong KPop , Thai, at Filipino idol na nakadikit sa pader. Mga glow-in-the-dark stars na nakadikit din sa dingding, maging ang mga nakatumpok na bags sa tabi ng pinto na naglalaman ng mga gamit ko para sa college. At syempre, ang jar of stars ko sa ibabaw ng study table ko na halos kalahati pa lang ang laman.

Napabuntong-hininga na lamang ako tsaka ngumiti.

“Chichu, anak?” tawag ulit sa’kin ni Mama.

“Gising na po ako, Ma! Maliligo na po ako. Bababa na din po ako maya-maya!” tugon kong medyo pasigaw sa kanya.

Agad- agad kong kinuha ang aking tuwalya na nakasampay sa pintuan ng banyo ko at dumiretso na sa pagligo. Habang dumadaloy ang malamig na tubig sa aking katawan ay napapaisip ako sa tatahakin kong paglalakbay sa Atendelle. Magkakaroon kaya ako ng mga kaibigan dun? Magugustuhan ba nila ako? Mag eenjoy ba ko dun? Paano kung may magbubully sa’kin? Paano ako lalaban? Paano kung maligaw ako? Makakasurvive ba ‘ko dun?

Haaaayyy. . . Nagising na lang ulit ako mula sa malalim kong pag- iisip dahil sa panginginig ng aking batok. Ilang minuto na ba ‘ko dito?

Mabilis ko nang hinugasan ang buo kong katawan, nagbanlaw at nagpatuyo gamit ang aking tuwalya na may Pokemon din na designs.

“Chichu? Tapos ka na bang maligo? Baba ka na ha?” Dinig kong tawag ulit ni Mama. Napangiti na lang ako sa concern niya.

“Opo, Ma. Nagbibihis na din po ako,” sagot ko sa kanya. Maya-maya pa’y bigla na lang nawala ang aking mga ngiti at napalitan ito ng lungkot.

Mamimiss ko si Mama sigurado. Ngayon pa nga lang eh. Mamimiss ko yung ngiti niyang mapayapa, yung mga sermon niya sa’kin, yung mga malalambing niyang mga yakap. Hindi ko na makikita at mararanasan ang mga ‘to ‘pag nasa Kalibo na ‘ko.

Pati din naman si Papa mamimiss ko. Hindi nga lang si Kuya kasi, kasama ko naman siya sa apartment eh. Sabay kasi kaming pupunta sa college.

“Almusal na tayo, Chichu!” ngayon ay si Kuya naman ang tumatawag.

Napangiti at napahinga nalang ako nang malalim at mabilis na nagbihis.

“Opo. Eto na po, Kuya. . .” tugon ko habang naglalakad pababa sa kusina.

“Bilisan mo diyan, Mochi. Naririnig ko na siyang bumababa. . .” aligagang sabi ni Mama habang dala-dala ang mangkok ng kanin papunta sa mesa.

“Maaa. . .  Kalma lang po. . . Relax lang ho tayo ha. . .” pa-swabeng sagot ni Kuya para mapakalma si Mama habang inaayos nito ang mga kutsara at tinidor sa bawat plato sa mesa.

“Good morning, Ma. . . Good morning, Kuya,” bati ko sa kanila at agad-agad na tumakbo papunta kay Mama para yakapin siya. Niyakap din naman ako ni Mama at hinaplos ang medyo basa ka pang buhok.

“Good morning, anak,” bati din sa’kin ni Mama at hinalikan ako sa noo.

“Ako, bunso? Wala din bang yakap?” tanong sa’kin ni Kuya nang matapos na yata siya sa ginagawa niya.

A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now