Chapter 17

3 1 0
                                    


Kinagabihan, pagkatapos kong magsulat ng entry sa jar of stars ko, habang nakahilata ako sa kama at ang isip ko ay binabagabag pa rin ng pagbabalik ni Joss sa buhay ko ay na-isturbo ako ng katok sa pinto.

Tumayo ako dahil curious ako kung sino yung nasa pinto.

Habang papalapit ako sa pinto ay tila mas lumalakas pa ang pagkatok mula sa kabila. Mukhang atat na atat yata siyang mapagbuksan.

"Sandali lang. . . " pasigaw ko para kumalma ang kumakatok.

Nang buksan ko na ang pinto, bumungad sa’kin si Gelo na amoy alak pero tuwid pa rin ang pagkakatayo. Nandiya lang siya, nakatitig sa’kin habang naka-smirk.

Halos mapaatras naman ako sa gulat at nagtataka kung bakit pumapasok siya sa kwarto ko.

"Gelo. . . Nasa kabila ang kwar~ " hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil itinulak niya ko nang mahina sa pader malapit sa isinarado niyang pinto. Binakuran niya ko gamit ang dalawa niyang malalaking braso at tila naging alipin niya ‘ko.

I froze in between his breaths. It feels seductive yet frightening.

Napapalunok ako sa bawat paghinga niyang naamoy ko ang alak na pinagsaluhan niya. Nakakaakit na masyado ang kanyang mukha at kung paano niya ‘ko tingnan kahit na lasing siya ay nakakaadik pa rin.

"Gelo. . . Ano'ng ginagawa mo?" mahigpit kong tanong na ipinipilit ang sarili ko na makawala sa kanya.

Tinitingnan ko siya sa mata dahil tila inuutusan ako nun na doon lang ako magfocus.

Habang nakangisi ay dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang kanang kamay para mahawakan ang pisngi ko. Maybe he did it to make me focus on him more. Mainit ang kanyang kamay na tila ay magiging komportable ako sa ganung posisyon.

"May nangyari na ba sa inyo ni Joss?" tanong niya habang nakangisi pa rin ngunit ang mga mata ay tila malungkot.

"Huh? A-a-ano'ng klaseng tanong 'yan, Gelo?"

"Just answer me, please," mahigpit niyang sabi habang tila sinuntok ng kanyang palad ang pader.

Napakurap naman ako sa ginawa niya.

"Wala. Wala. . . Syempre wala," halos nanignginig kong sagot habang nakapikit.

Nanatili siyang tahimik at ‘yun ang nagpadilat sa’kin.

That’s when I see that he is giving me a good smirk. "Did he kiss you?"

Napayuko ako nang bahagya. "Oo," marahan kong sagot.

"Did you kiss him back?"

Napatingin ulit ako sa kanya.

"Sa noo lang naman niya 'ko nahahalikan, Gelo, at hanggang 'dun lang 'yun. Please, Gelo. Gusto ko nang matulog."

"Good. Dahil gusto kong ako lang ang makakatikim ng mga labi mo, little angel." He touches my lips softly, lightly, gently with his index finger.

Nakatingin ako sa kanyang mga daliri nang nararamdamn kong dahan-dahan na niyang inilalapit sa’kin ang mukha niya.

"Gelo? Gelo? Ano'ng ginagawa mo?" halos maubusan ako ng hininga at sinusubukan kong itulak siya paatras pero ang lakas niya talaga. Kahit na lasing siya ehh matibay pa rin talaga pagkakatayo niya.

He closes his eyes as his face is inches away from mine, habang sumisigaw na ‘ko. . . Tila naman wala siyang naririnig dahil lumalapit pa rin siya.

Patuloy lang ako sa pagsigaw hanggang sa magising na ‘ko.
Nagising ako?!

Habang mabilis ang pagkakahinga ko na tila pagod at pinagpapawisan kahit naka-on ang ceiling fan ay napapaisip ako kung panaginip nga lang ba ‘yun.

Kinapa ko muna ang kama ko para masigurado kung may katabi ako—wala. Tiningnan ko ang suot ko na nakabalot ng kumot ko—parehas pa rin.

Sumunod ay umupo ako para makita ang palibot ng kwarto kung may bakas nga ba ni Gelo. At nakahinga ako nang maluwag dahil wala pa rin.
Napahawak ako sa noo ko habang nagpapasalamat na panaginip lang pala ‘yun.

Pero agad din namang nawala ang ngiti ko at napadampi ako sa mga labi ko habang inaalala ang panaginip ko. Parang napakalinaw pa rin sa ‘kin ang lahat.

Gusto ko nga bang panaginip lamang ‘yun?

Agad-agad naman akong tumayo at kinuha ang isang strip ng sky blue na colored paper at ballpen para makapagsulat.

“Napanaginipan ko ulit si Gelo and this time, he is about to kiss me! Acccckkk! I wish it would be real!”
Napahinto ako pagkatapos para mapag-isipan nang mabuti ang last sentence ko.

“Hmmm, I have to be honest with my wish,” bulong ko sa sarili ko sabay hinga nang malalim. Pagkatapos ay itinupi ko na ito sa hugis star at inilagay sa jar na naidala ko na nung Linggo.

A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now