Chapter 21

1 1 0
                                    


"Surprised?" He smirks at napatayo ako. Hindi ko nga alam kung ba’t ako napatayo. Kahit ano pa man yung dahilan ay nakafocus pa rin ako sa kanya. Tila hindi pa nga ako nakakurap.

"Ikaw?" bulong ko.

Naka-smirk lang pa rin siya.

"I'm Gelo Travis del Castillo. . . The one you helped from the bullies during Kindergarten," saad niya.


FLASHBACK:

Katatapos lang ng klase at hinihintay ko pa si Mama sa labas ng room namin para sunduin ako. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng tuksuhan sa labas ng katabi naming kwarto. At ayun nga, nakita ko ang tatlong mga batang lalaki na tinutukso ang isa pang cute na lalaki.

"Ahh. . . ang pangit. Binulutong. Ahh ha-ha-ha. . . Mukha kang bubble wrap. . ." pinagkaisahan nila ang isang tila hindi makalaban na lalaking may itim na mga spots sa balat.

Hindi pa rin gumaganti ang lalaki pero umiiyak na. Nainis ako sa nakikita ko pero sinusubukan ko pa rin naman itong kontrolin. Naglakad ako papalapit sa kanila at sinabing, “Bakit nyo siya inaaway, ha?”

"Ehh ang pangit niya, ehh. Tignan mo oh, andaming sugat. Patayuin mo buhok niya, para na 'yang pinya."

Pagkatapos ay tumawa sila nang sobra habang itinuturo ang lalaki.
Lumapit ako sa lalaki tsaka hinawakan siya sa balikat. "Siya? Pangit? Ehh ang pogi kaya niya. Ang bait pa niya, di niya kayo nilalabanan. . . May ginawa ba siyang masama sa inyo?"

"Wala,”sabay nilang sagot pero parang galit ang boses.

Dahil dun ay napangiti ako sa kanila. "'Yun naman pala eh. Bakit niyo siya tinutukso at inaaway? Wala naman pala siyang kasalanan sa inyo? Dahil ba sa mga sugat?" saad ko nang kalmado.

Hindi sila nakasagot.

"Gusto niyo ba, mangyari din to sa inyo? Yung magkabulutong? Alam niyo ba na magkakaganito kayo 'pag ayaw niyo sa ganito?"

"Tinatakot mo lang kami, ehh,” sabi ng pinakamatangkad sa tatlo.

"Sa tingin mo? Lalapit ako sa kanya kung alam kong hindi ako mahahawaan? Hindi ko naman siya inaaway kaya hindi ako mahahawa."

Tiningnan nila ang isa’t isa at pagkatapos ay humingi sila ng sorry sa lalaking inaaway nila kanina

Maya-maya pa’y may tumawag sa’kin na pamilyar ang boses at agad akong napalingon doon. Si Mama. Pero bago ako tumakbo patungo sa kanya ay may sinabi muna akong kaunting mga salita. "Huwag niyo na siyang aawayin, ha? Kung uulitin niyo pa 'yan, makakalaban niyo na din ako."

Sumunod na araw, nang papasok na ‘ko sa room namin ay nagulat ngunit napangiti ako dahil ang cute na lalaking tinulungan ko kahapon ay nandun malapit sa pinto ng room namin. Binati ko siya ng good morning at tila nahihiya yata siya. Pero ngumiti din naman siya pagkatapos.

"Thank you," sabi niya habang may iniabot sa’king cupcake. Hindi ko muna kinuha ang cupcake at sinabing maghintay siya muna dahil i-a-untie ko lang ang itim na bracelet sa kamay ko. Ibibigay ko din ito sa kanya bilang kapalit ng cupcake.

"Ito oh. Ako mismo gumawa niyan.”

"For me?" tanong niya bago niya ito kinuha. "Thank you. . . I'll treasure it."

Maya-maya din ay narinig ko na ang teacher namin na magsisimula na ng class. Nagpaalam na kami sa isa’t isa at pumasok na ‘ko sa room.

Hindi pa rin naman nawawala sa isip ko ang thoughtfulness ng lalaki kanina. Nahahalata ko talaga na mabait siyang tao. Sana, magiging magkaibigan nga talaga kami.

A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now