Chapter 28

3 1 0
                                    


CLEANE'S POV:

I think I must be going nuts. Crazy. Crazy in love, like how Beyonce describes it. Nahuhulog na ‘ko nang malalim. Ulit. Pero ngayon na ba ang tamang oras para sabihin ko sa kanya na pumapayag na ‘kong maging boyfriend niya?

I groan as I lay spreading my arms and legs on my bed. Then I sigh. Hindi rin talaga ako sigurado sa gagawin ko. Ayoko din kasing mapunta ulit ako sa failed relationship.

Hindi ko na kasi alam kung makakaya ko pang magising isang araw na durog na durog ulit ako dahil sa taong minahal ko nang totoo. Sigurado na rin naman ako kay Gelo, diba?

Pero masyado siyang pogi, sikat at mayaman. Paano kung sabihin nila na kaya ko lang minahal si Gelo ay dahil sa yaman niya? Paano kung ikasisira 'to ng pagkatao ko?

Pero, mahal ko si Gelo. Matagal ko nang gustong mangyari 'to. Ngayon pa ba ako aatras?

Mukhang mapagkatitiwalaan ko naman siyang hindi niya ako lolokohin diba?

Okay. Nakakapag-isip-isip na ‘ko. Napanood ko na ‘to sa maraming series at movies eh. Siguro, it will work for me, too.

Agad akong tumayo at pumunta sa study table ko. Umupo at tsaka kumuha ng green strip of paper.
God, sana ho ehh mabigyan Niyo ho ako ng sign na hindi magiging failed ang magiging relationship namin. Mag-iisip ho ako ng sign at Ikaw na ho ang bahala kung makikita ko o mangyayari ho ‘yun, ha.

Okay, kailangan kong mag-isip ng bagay. Kailangan eh rare dapat. Yung hindi namin usually nakikita. Hmmm, pero ano?

Habang nag-iisip ay kinakagat ko ang dulo ng ballpen ko.

Aaarrgghhh, hindi pa rin ako nakakaisip! Tinakpan ko ng mga kamay ko ang mukha ko sa inis. At nang ibinaba ko na ang kamay ko ay nakita ko ang synthetic na mga bulaklak sa vase na katabi lang ng jar of stars ko.

Flowers? Tinutulungan niyo ho ba ako, G? Hmmm, okay. . . This is a good way to start. Nakangiti na ‘ko pero agad naman ‘yung nawala. Pero ano’ng klase ng bulaklak?

Maya-maya ay biglang naging makati ang dibdib ko. Ikinamot ko din naman agad ito habang bahagyang nakayuko at tila lumiwanag ang mga mata ko dahil sa kulay ng damit ko. Black.

Black! A black flower! That's something rare! Hindi ko rin ‘to nakikita araw-araw. Sa pagakatanda ko nga rin ehh hindi pa ‘ko nakakakita ng itim na bulaklak. Kahit sa posters o pictures. Except kung ico-consider ko ang tuyot at patay na bulaklak. Pero sa palagay ko eh, deep brown naman ang kulay nun.
Okay then. At sinimulan ko na ang pagsusulat sa papel.

“If he gives me or at least I see a black flower, then I definitely know he's the perfect one for me, G. I will whole- heartedly accept Your will. Thank You, G!”

Pagkatapos ay itinupi ko na ito sa shape ng star at tsaka inilagay sa jar.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng katok sa pinto. Naglakad ako papunta run habang nagtataka kung sino ‘to ulit. At tila hindi na nga ako nagulat pa dahil bumungad sa’kin si Gelo na may bitbit na maliit na kahon na may pulang ribbon.

"Pwede ba'ng pumasok?" tanong niya habang ipinapakita ang bitbit niyang box.

I take a deep breath and nod.

Pagkatapos ay umupo ulit kami sa sahig malapit sa kama ko. Binuksan niya ang box at ipinakita sa’kin ang laman. Napangiti naman ako bigla.

"Remember Kindergarten?" tanong niya. "Para sa'yo, Cleane.”

Cupcakes. Anim na piraso ng cupcakes. Yum. Naglalaway na nga yata ako. Nakangiti akong nakatingin sa kanya habang nagpapasalamat.

Ngumiti naman siya pabalik at sinabing, "You're very much welcome, little angel."

In excitement, I quickly get a piece, peel off the paper under it and acknowledge its tempting aroma. Oh, it's heavenly. These are chocolate cupcakes with strawberry- flavoured frosting. I then take a munch and savor its flavour very much. Tama nga ang unang impression ko dito. Napakasarap nga!

"Sarap diba? Ako mismo nag- bake niyan." Mukhang proud na proud siya sa ginawa niya.

"I'm impressed." Totoo naman talaga.

"Sobrang sarap nga nito, Gelo. Ang bango pa. Sana all magaling magbake," dagdag ko habang nakatingin sa kanya. Nakangiti rin siya sa’kin habang pinagmamasdan ako at nagpatuloy ako sa pagkain.

"Pwede mo kayang ibenta 'to, Gelo. Mapagkakakitaan mo din 'to," pagsa-suggest ko.

I then offer him a cupcake but he denies nicely, "It's all yours, little angel."

"Honestly, ngayon lang ako gumawa ng cupcake na ganyang recipe and design. And, I'm planning to give it a name actually. For my business," saad niya.

Hmmm, hindi na rin naman ako nagulat na he’s into business kahit na sa ganitong edad palang kami. Business Administration student naman kasi siya at napakayaman pa.

Napahiwi panguso ang ibaba kong labi habang tumatango. "Ano'ng gusto mong ipangalan dito?" tanong ko habang patuloy sa pagnguya.

"Black Rose," sagot niya.

"Black Rose," pag-uulit ko habang tumatango at napanguso ang ibaba kong labi. "Bagay naman, Gelo. Para sa chocolate na flavour ng cupcake tsaka sa strawberry frosting," dagdag ko na hanga sa kanya. Ang galing niya talagang mag-isip.

Paulit-ulit kong naririnig ang Black Rose sa isip ko at hindi ko ala kung bakit. There must be something odd about it, come to think about it now.

At ilang segundo lang ay bigla akong napahinto sa paggalaw. Napahinto din ang mga kamay ko habang hawak ang cupcake.

Black Rose. Black flower. My sign. Ito na ba ‘yun? Ito na ata ‘yun!

Agad-agad, G? Ang bilis naman yata. Ganun Ka ba kasupportive sa’min?

"Earth to Cleane. . . Hello? Cleane?" dinig kong sabi ni Gelo habang kumakaway sa harap ko. "Natutulala ka ata sa sarap ng cupcake ko, little angel. May iba ka pa bang gusting tikman?" he continues seductively, as his eyes travel under him.

"Ba't mo naman napili ang Black Rose, Gelo?" seryoso kong tanong.

Napangiti naman siya. "So that's what's bugging you?" At tumawa siya nang mahina. "Well, hindi lang sa dahil chocolate ang main flavour ng cupcake but also because, I made it first specially for you, little angel. And so, I should really consider it special, too. My favourite color's black, because it's the color of the bracelet you gave to me. See?" At ipinakita niya ang suot-suot niyang bracelet na ibinigay ko sa kanya nung Kindergarten pa lang kami. Tila ngumingiti naman nang napakahaba ang puso ko dahil sa pagbibigay niya ng halaga sa ibinigay ko sa kanya. "I'm keeping it forever. And I see you as a rose. Black Rose means "my favourite is you", you, little angel. Hindi ko man siya ma- express fully in words, but it gives a different impression for me." Pagkatapos ay ipinakita niya sa’kin ang takip ng box, "Look."

Ipinakita niya sa’kin ang text na nakaprint sa takip, "Black Rose".

"I have already prepared its packaging, because I know that you will love it," dagdag niya.

G, ito na ba ‘yun? Ito na ba ‘yung signal na hinihingi ko mula Sa’yo at sa jar of stars ko? Hindi naman ito ‘yung black flower na ini-expect ko pero, ‘yung context eh pareho. Ayun naman dapat nagmamatter diba?

Okay, sige isa pa, G. Siguro kailangan ko ng isa pang sign. Isang sign na lang na isusulat ko mamaya sa star.

Kapag dumating ang araw na itatanong sa’kin ni Gelo kung pwede na akong maging girlfriend niya, kapag may narinig akong sad song, eh yun na yun, G. Itinadhana Mo nga talaga kami ni Gelo at hindi kami papatungo sa failed relationship.
I trust You so much, G. I really do.

A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now