• I •
How to be better me?
Sabi nila magiging better version ka daw ng sarili mo kung kaya mo ng magdesisyon para sa sarili mo sa mga panahong ikaw nalang mag-isa. Sabi nila masasabi dawna naging mas magandang bersyon ka na ng sarili mo kapag kaya mo ng linisin mag-isa ang mga problemang ikaw mismo ang gumawa. Sabi nila better version ka na ng sarili mo kapag... alam mo na kung ano ang pa-patungoan mo sa hinaharap.
Pero para sa akin, ako na ang better version ng sarili ko kung... kilala ko na ba talaga kung sino ako.
Minsan sinasabi ng iba na hindi mo kilala ang sarili mo. Totoo yun... sa maniwala man tayo o sa hindi minsan talaga ay hindi din natin nakikilala ang sarili natin. Titingin tayo sa salamin at makikita ang sarili. Mapa-patanong ka kung sino ka ba talaga? o ano bang gusto mo talaga?
Kapag magulo na ang lahat... palagi kong sinasabi. Sino ba talaga ako? Ako ba talaga ang inaakala kong ako? Ito ba talaga ang nais kong gawin? Ito ba talaga ang nararapat na daang aking tatahakin? Ito ba talaga... ito ba talaga ako o ito lang ang ako na ginawa ng ibang tao?
Masasabi ko bang ang mga achievements na to ang gusto kong makuha? Ang mga awards na to ba talaga ang nais kong makamit? Ito ba talagang grades na to ang pinakamahalaga sa akin?
O hindi...
Ako ba talaga ang may gusto? O sila?
Minsan matu-tulala nalang nalang ako bigla. Mapapaisip sa mga bagay bagay na tila alam kong gusto ko pero hindi naman nababagay sa mga gusto nila para sa akin. Ako ba ang may mali? O ang mga taong nasa likod ng mga ito. Ang mga taong palaging nasusunod sa mga bagay na patungkol sa akin at sa buhay na ginagalawan ko... sa buhay na tatahakin ko...
Ako ba talaga ang may mali kung iisipin kong hindi talaga ang mga matataas na grado, mga malalaking tropeyo, mga awards at rekognasyon ang gusto ko? Selfish na ba akong ma-iituring kapag itinuloy ko ang mga gusto ko at suwayin ang gusto ng mga magulang at kapatid ko.
Hindi ko na alam...
Hindi ko alam kung sino na ba talaga ako...
O kung may ako... may ako ba talagang nag-exist sa mundo in the first place.
Masama ba kung mapapagod ako. Kung pagod na ako. Kung wala na akong gana. Kung hindi ko na gusto. Kung hihinto na ako. Kung iisipin ko naman ang mga gusto ko. Kung iibahin ko na ang daan tinatahak ko... masama na ba ako kung iisipin ko naman ngayon ang sarili ko... sarili ko at hindi nang ibang tao?
Susundin ko naman ang puso ko at hindi ang mga bibig ng ibang tao?
Kung talagang pagiging masama ang pagiging totoo sa sarili ko... pasensya na... patawad... humihingi ako ng kapatawaran sa aking ka-tampalasan, sa hindi pagsunod... pero iba na ngayon... hindi na ako ang dating tao na hindi kayang magdesisyon para sa sarili niya at mas iniisip pa ang sasabihin ng iba kaysa sa gusto niya... hindi na ako siya... ang babaeng palagi nalang number one sa acads dahil yun ang gusto ng iba. Hindi na ako siya... dahil alam ko na ang gusto ko ngayon... ang maging bagong ako, bagong ako na kayang ipaglaban ang sarili ko sa iba. Bagong ako na hindi na mag-atubiling gawin ang gusto niyang gawin. Ang bagong ako na malaya... malayang nagagawa ang mga gusto ko. I'd never be this happy before. I think, nakatulong talaga ang pagiging malaya para sumaya ka... and being me... being someone you are, is I think is just the only way to be the better version of yourself.
AN'
This is me your author, sa lahat ng magbabasa nito... well alam ko naman na maybe or somehow this story will cure many heart-breaks. And sana this story will left you a inspiration that what ever the world did to make you stop for being who you are, just ignore it... take a breath and then go... step again and move forward. Someday you'll see that the world slowly changing... and maybe maging pabor din ito sa iyo at kung sino ka talaga. Matagal na proseso pero sa huli, magiging maayos din ang lahat at magiging masaya ka din... magiging masaya din tayo.
BINABASA MO ANG
Project: How to be a better me
Teen FictionI am Avery Coolton, sabi nila nasa akin na daw ang lahat. Ang kayamanan, ang talino, ang mga bagay na gugustuhin ng lahat. Perpektong buhay kung baga. Pero di nila alam nagtatago lang ako sa isang maskara. Maskara na nagtatago ng totoong ako at toto...