2- Be who you wanted to be
Avery's PoV
Nasa may kusina kami ngayon ni manang jiji at naghahanda ng meryenda para sa mga panauhin nila mom and dad na kakadating lang mula sa work. Maaga nga sila ngayon at dahil daw iyon sa mga bisitang darating. Kaya nga nagboluntaryo nalang ako na tumulong sa mga kasambahay at kay manang jiji sa pag-gawa ng mga putaheng ipapakain sa mga bagong dating palang na mga bisita.
“Oh ano, okay ka na ba iha? Mukhang maligaya ka ng muli ah, nakakatulong ka pa?” sia manang. Natawa naman ako.
“Well I just realized that if I let myself drawn by this pain ay malulunod lang ako. I realize na tama ka manang na kailangan kong mahanap ang sarili ko para maging buo at makilala ko ang tunay na ako,” Nakangiti kong sinabi na nagpangiti din sa matanda.
Nilagyan niya ng nilutong menudo ang babasahing bowl at saka ito ibinigay saakin para maipatong sa tray na nasa harapan ko. “Mabuti naman kung ganoon anak, atleast okay ka," saad nito ng maibigay saakin ang bowl na may laman ng menudo.
Tumango naman ako at saka nagbigay ng panibagong bowl. “by the way manang bakit para atang ngayon ko lang nakita ang mga bagong kaibigan na iyon nila mom, nakita mo na din ba sila lately? Dito sa bahay?” nagkibit balikat naman ang matanda.
Mukhang hindi rin niya kilala ang mga bagong panauhin. “Siguro nga bagong kakilala, alam mo naman ang mga magulang mo... masyadong mapagmalaki kaya siguradong inimbitahan nanaman ang mga kung sino sino na nakasama sa mga business trips nila,” napatango nalang ako sa sinabi ng matanda. May point naman kasi ang sinabi niya sapagkat palagi naman na yung nangyayari.
“Baka nga bagong kakilala nung nagkaroon ng conference ang Saint Louis Univ. at Our Lady College sa Gapan kahapon,”
Nagkibit lang uli ng balikat si manang at napatango tango. “Siguro...”
Nang matapos na ni manang ang paglalagay ng menudo sa mga bowl at naipatong na ang lahat ng ito sa dalawang tray ay binuhat na namin ito at dinala sa hapag kung nasaan nagkukuwento ang mga magulang ko at ang mga bago nilang kakilala.
Isang babaeng elegante iyon na mukhang ka-age lang ni mom at isang lalaking medyo mas bata ng ilang taon sa kanila na mas upper aged naman saakin ang isa pa. Mukha nga siyang kaka-collage palang. And kung appearance lang ang pagbabasihan masasabi kong napaka-hot nga ng lalaking ito. Halata kasi ang katawan nito sa business attire na suot suot niya.
Iniwas ko naman agad ang mata ko sa binatang lalaki ng makarating na kami sa may harapan ng hapag kung saan nilagay namin ni manang jiji ang mga pagkain.
Tiningnan naman ako ng babaeng elegante at napangiti ito ng malaki ng makita ang mukha ko. “Siya na ba yan? Ang laki na pala ng anak mo ah?” Sabi ng babae at saka binalingan ang katabi niyang lalaki na sa ngayon ay parehas na nakatingin saakin. Nakakailang. Maka-layas na nga rito.
Sumagot naman si mom at hinila pa ako papalapit sa kanya kaya naman naiwan na ako ni manang na pumasok na ulit sa kitchen.
“Oo siya na nga yan, ang laki na kiya noh,” Masaya namang tumango ang babae at saka eleganteng pinagtipan ang mga kamay niya. “manang mana sa mom niya ano?” nagtawanan naman sila.
Shit! Nakakairita. Bakit ba palaging napapasabak ako sa mga ganitong mga bagay bagay bigla bigla. Nakaka-inis. Nakakahiya!
Ayaw ko pa man din na tinitingnan ako ng ganyan ng mga tao.
“Dito ka muna dear, may mahalaga kaming sasabihin sayo,” si mom na inilahad pa saakin ang katabi niyang upuan kaharap ang lalaking nakangisi na saakin habang nakatingin. Hinayaan ko nalang siya at saka nagkunwaring hindi siya nakikita.
BINABASA MO ANG
Project: How to be a better me
Teen FictionI am Avery Coolton, sabi nila nasa akin na daw ang lahat. Ang kayamanan, ang talino, ang mga bagay na gugustuhin ng lahat. Perpektong buhay kung baga. Pero di nila alam nagtatago lang ako sa isang maskara. Maskara na nagtatago ng totoong ako at toto...