•••
1- You need to find your self
Avery's PoV
“Yes Avery? Anong sagot?” tanong ni Tcher. Sam na tila nagtataka pa kanina kung bakit hindi ako nagtataas ng kamay o nagbibigay manlang nang malaking kontribusyon sa klase sa time niya tulad ng parati kong ginagawa sa mga previous na araw nitong week.
Sumagot na ako. Ngunit napatikhim din ng biglang kumunot ang noo Tcher at sinabing mali daw ang sagot ko. “Better you review frequently, Ms. Coolton, mukhang hindi ka naka-focus sa studies mo kamakailan kaya medyo bumababa ang nakukuha mo,” Tumango nalang ako at mapapabuntong-hininga na umiling sa pagkadismaya. Tama nga siya. Mukhang sobra na akong nawawala sa sarili nitong mga nakaraang araw.
“I'm sorry Tcher, hindi na po mauulit,” nasabi ko nalang sa pagkadismaya “I think... naging medyo busy lang ako sa mga extras na pinaglagakan ko ng panahon this recent days... sorry po talaga Tcher. Sam,” Tumango siya at saka tinalikuran na ako at bumaling sa iba ko pang mga ka-klase na may tinatanong sa kanya. Umiling iling din siya bago tumalikod. Mukhang dismayado din sa nangyayari sa akin. Ako pa man din ang magiging representative ng grade namin for the upcoming Mathematics Olympian na gaganapin next month.
I sigh again. “How could this be happening to me?” napapasabunot sa buhok kong turan sa sarili. “this can't be happening to me!”
Ginulo gulo ko ang buhok at napagdesisyunan ng mag ayos nalang ng bag ko habang pinapatay ang mga natitirang oras sa subject namin na iyon.
A minutes after ay dinismiss na kami ni Tcher at isa isa na kaming lumabas ng room. 1:29 p.m palang pero pinalabas na kami ni Tcher. Break namin ngayon hanggang mag-alas Tres at Alas tres hanggang alas kwatro naman ay klase namin sa P.E kung saan magkakaroon kami ng baseball game sa baseball field ng school.
Highschool palang pero para na kaming collage dahil sa mga stress namin. Paano ba naman, kung hindi sa dami ng events for acads, napakarami namang extras at may pa baseball game pa tuwing Friday, hanggang matapos ang buwan as performance task namin sa subject na MAPEH.
Lumabas na rin ako ng aming classroom at saka naglakad sa napakagulong hallway sa labas ng room namin.
Malayo ang canteen mula sa classroom namin ngunit may maliit naman na cafeteria na malapit sa kung nasaan kami.
Hindi na ako pupunta sa canteen dahil madaming mga tyismosa at tyismoso doon na pwede akong targetin at nakakainis na baka ako nanaman ang maging headline ng school. Mas tahimik at kakaunti ang tao sa cafeteria kaya naman mas nanaisin kong doon nalang ako kaysa sa napakaingay at maraming taong canteen na napakalayo pa sa lugar kung nasaan ako.
Habang naglalakad ay sinasalubong ako ng mga taong galing sa pupuntahan ko. Maraming tao. Maingay at... kakaiba. Hindi kasi ganito kadami ang tao sa tuwing lalabas ako ng klase nung nakaraang mga araw.
Bakit kaya?
Nagkibit nalang ako ng balikat at saka nagtuloy sa paglalakad. Hindi ko naman gawi ang pagiging tyismosa kaya hindi ko na pinansin pa ang dahilan ng pagkakagulo nila. Baka may famous lang na naroon kaya ganoon nalang ang pagmamadali nilang magtungo sa pinanggalingan ko.
I wonder kung saan sa bandang yoon ang pupuntahan nila. Wala naman kasi akong kilalang kahit sinong sikat sa lugar na iyon.
Iwinaksi ko nasa aking isipan ang paksang iyon. Sabi ko nga, hindi ako tyismosa para maging ganoon kakuryoso sa nagaganap. Ibinaling ko nalang sa mga nakapakat na papel sa bulletin board sa hallway ang aking paningin. Madami nanamang mga events at mga ka-panapanabik na magaganap sa buwan na ito. Haysss... what a tiring month for us nanaman.
BINABASA MO ANG
Project: How to be a better me
Teen FictionI am Avery Coolton, sabi nila nasa akin na daw ang lahat. Ang kayamanan, ang talino, ang mga bagay na gugustuhin ng lahat. Perpektong buhay kung baga. Pero di nila alam nagtatago lang ako sa isang maskara. Maskara na nagtatago ng totoong ako at toto...