CHAPTER 2 :
Hello: Wala akong angal. Katakot ka naman. Naghahamon ka agad ng away.
AC: Di ako naghahamon ng away. Hahaha. Natural sa'kin ang ganung approach.
Hello: TALAGA? :))
AC: Oo nga.
Hello: TALAGANG-TALAGA? :)))
AC: Isa pang ulit mo, sasapakin na kita.
Hello: Hehehe. Sorry na.
Hello: So, filipino ka pala?
Hello: Uy. Saan ka na?
AC: Andito pa ako. Di ko alam kung nasa paa mo yung utak mo. Ang ganda ng tanong mo eh! Obvious na ang sagot. -_-
Hello: Tinanong ko lang kung Filipino ka. Galit ka agad? :((
AC: Di ako galit. Nagpapaliwanag kasi ako. Hmp.
Hello: Ganun ba? OK. Alam mo ba, Filipino din ako. :)))
AC: And so? Di ko naman tinanong.
Hello: Taray mo talaga sakin. Hahaha. Kanina mo pa ako binabara.
AC: Buti naman aware ka na binabara kita.
Hello: Oo nga. Akalain mo yun? xD
AC: Edi wow. -_-
Hello: Taga-saan ka nga pala, AC? ;))
AC: Sa Metro.
Hello: Saang Metro? Metro ng tubig o kuryente?
AC: Korni mo! Common sense nga. Malamang, Metro Manila. Duh.
Hello: Hahaha. Nag-joke kaya ako. Di mo pansin. XD
AC: EDI WOW! -_-
Hello: Edi meow! ;)))
Nagtuloy-tuloy pa ang usapan namin hanggang sa di ko na namalayang dalawang oras na pala kami magkachat. Sinabi kong aalis na ako at sinabihan niya akong ayaw niya akong mawala. Nabara ko na naman tuloy siya.
Pero ang totoo, natatawa at nangingiti ako sa mga usapan namin.
We exchange numbers at sinabihan niya akong magtetext daw siya kapag nagkaload na siya. Pffft. Sa loob-loob ko, ok lang. Wala din kasi akong load eh. Nyahahaha.
Kinabukasan, balik normal na naman ako. Yung normal ko kasi, pagiging abnormal ko. Nambubully ako ng mga kaibigan ko. Wala eh, routine ko na. Hahaha. The day went well.
Hanggang sa naging sabado na. May kakaibang balita tungkol sa akin. MAY LOAD NA AKO, pfft. Mayaman ako dahil weekends naman na.
Mag-gugroup message na dapat ako. Kaso biglang may nagtext sakin. Chael ang pangalan na nakalagay.
Chael? Huh? May kilala ba-- OMG. YUNG CHAEL? YUNG KACHAT KO NUNG NAKARAANG ARAW?
Wootek! Teka, kinikilig akooo! Akala ko, kinalimutan niya na ako. Well, iba kasi talaga ang kamandag ko. WHAT?! Hahaha. Basta yun na yon.
Binasa ko ang text niya.
==========
From : Chael
Oy!
==========
Whatdaheckisthismessage?! Kinilig na ako eh. Yung kilig ko, paakyat na sana sa ulo ko kaso biglang umurong at nawala. Nang dahil sa 'Oy!' na walang malay. Haaay.
Ang hirap talaga umasa.
Nagreply na lang ako.
==========
To : Chael
Who you po?
==========
HAH! Kala mo dyan. Nataranta ako ng tumunog agad ang phone ko. Ang bilis naman niya magreply?
==========
From : Chael
You don't remember me, AC? :'( :'(
==========
LUH?! Ang lakas ng sapak neto.

BINABASA MO ANG
Finding Love
Teen FictionBut when she already met this person, was she ready to face the consequences of falling in love? Maybe, yes… Maybe, not…