FL Chapter 1

10 2 0
                                        

CHAPTER 1:

 

“Putek, ang panget ko ba?” Napasimangot ako habang nakatingin sa salamin. Makinis naman ang mukha ko at maayos naman ang kulay ng balat ko. Sabi pa ng iba, cute ako. Ano pa bang problema sakin?

“Hoy, Aleli!” inis na nilingon ko si Lian.

“Maka-hoy ka diyan. May pangalan kaya ako.” Sita ko sa kanya at bahagya pa akong napanguso.

“Sorry ah?” sarcastic niyang sabi. “Busy ka kasi kakatingin sa sarili mo diyan sa salamin. Parang tanga lang. Nakuha ko na nga pala yung libro mo sa ilalim ng kama mo.” Itinaas niya pa yung libro ko para makita ko.

Napatango na lang ako sa kanya. Pero natigil din ako nung may naisip akong itanong sa kanya.

Hinarap ko siya. “Lian… Matinong tanong, matinong sagot. Panget ba ako?” tanong ko sa kanya at napansin kong napataas agad siya ng kilay sakin.

“Mabait ka, wag ka mag-aalala. Sige na, alis na pala ako. Ge, bye.” Bigla na lang siyang nawala at di na ako nakapagprotesta.

Ang ganda kasi ng sagot! Kabadtrip.

Makapag-internet na nga lang.

Binuksan ko ang computer at agad kong inopen ang account ko sa facebook. Na lalo ko lang palang ikakabadtrip. Ano ba ‘tong mga nasa newsfeed ko?! Puro walang forever chuchu. Mga bitter, hmp.

Natigilan ako nang may makita akong picture ng dalawang taong magkayakap. Kahit hindi ko pa basahin ang caption na may nakalagay na : “We’re happy together.” Alam ko namang couple sila. Haaays. Buti pa ‘tong mga ‘to, pumapag-ibig.

Habang pinapagmasdan ko pa rin yung picture na yun, biglang parang may bumbilyang umilaw sa utak ko.

Nasa tapat na rin lang naman ako ng computer, why not find a lovelife?

‘BWAHAHAHAHA!’ Narinig ko iyong halakhak ko sa utak ko kaya hindi ko mapigilang ngumisi.

Pinuntahan ko si pareng Google at nilagay sa search bar ang mga katagang: CHAT ONLINE.

Pinili ko ang pinakaunang site na lumabas sa results. Hindi ko sasabihin kung ano dahil baka may maiinggit pa eh. Nagregister na ako at dahil bawal ang 18 and below, edi ang nilagay kong edad ko ay 18. Huehue. Sorry na. Minsan lang ako maging masama kay lulubus-lubusin ko na.

Namili ako kung sino ang gusto kong ichat. May isang username ang pumukaw sa atensyon ko. Mark18-- GOSH! Parang gwapo ang nilalang na ito ayon sa kanyang username.

Tama bang basehan ang username sa kagwapuhan ng tao?

Ah, basta! Pinili ko siya at nagmessage ako ng tumataginting na 'HI!' with smiley na todo ngiti pa. Pero nang magreply na siya, naturn off na agad ako.

Mark18: Hi, babe! ;)

Malandi ka po, kuya. Hmp. 

May biglang nagmessage sakin. Napataas agad ang kilay ko dahil sa username niya.

Hello messaged you...

Ang lakas ng sapak netong taong to. Hello ang piniling username. Pero keribels na yan. Tinignan ko na lang message niya sa akin.

Hello: Hi, AC! AC stands for? ;))

Nagtype naman agad ako ng reply ko.

AC: Hello, Hello. AC stands for AwesomelyCute. May angal ka?

Dahil doon sa reply ko sa kanya, doon nagtuloy-tuloy ang salitan namin ng chat messages.

Di ko din inakalang doon mag-uumpisa ang lahat. 

Finding LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon