Preface

6.4K 120 4
                                    

Pressuring a single woman to get married is like rushing an old person to cross the street dahil magpapalit na ang traffic light. Gusto naman talaga ng matanda na makatawid eh, mabagal lang siya maglakad. At hindi makakatulong na sinisigawan mo siya at minamadali. Mas lalo lang siyang mapi-pressure.

Pressure. Iyan ang nararamdaman ng kahit sinong single sa tuwing may nagtatanong na “Bakit hindi ka pa nag-aasawa?” 

Minsan, hindi lang nakaka-pressure. Nakakasawa na. Nakakainis. Nakakaubos ng pasensya.

Hindi kakulangan sa isang babae ang kawalan niya ng asawa. At ang librong ito ang magpapa-realize sa iyo na mabuti na maging single kesa mag-settle. O pumatol sa lalaking hindi mo naman mahal. O maging kerida at sumabit sa ibang may legal na relasyon.

Okay lang maging single… sa ngayon. At habang naghihintay ka. Habang umaasa ka… habang nangangarap ka… magbasa ka na muna ng Buti Pa ang Roma, May Bagong Papa.

BUTI PA ANG ROMA MAY BAGONG PAPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon