Bawal Sumabit

4.7K 46 5
                                    

Hindi ko nilalahat. Napansin ko lang, kung sino pa iyong may sabit – may girlfriend, ikakasal na, o may asawa na – yun pa iyong malalandi.

Siguro kaya malakas ang loob nila kasi hindi nila tinatago ang status nila. At kapag nilandi ka nila, at pumatol ka, parang sinasabi mong okay lang at tanggap mo sila kahit may sabit na.  Hindi na nila kasalanan iyun. Kasalanan mo na yun.

Hindi lang isang beses nangyari. Hindi lang sa akin. Pati na sa mga kaibigan ko. Kapag single kasi at available, hindi ganoon kalakas ang loob. Pero ang mga may girlfriend at may asawa, kung makalandi, wagas. Daig pa ang single.

At heto ang theory ko – iyong mga married men o mga may dyowa na, naghahanap lang sila ng excitement sa buhay. Yung mga married, tinitingnan nila kung may bangis pa sila sa babae. At kaya malakas ang loob nila kasi puwede naman nila sabihing nagbibiro lang sila. Puwede nilang ideny.

(To continue reading this part, buy BUTI PA ANG ROMA MAY BAGONG PAPA in your nearest bookstore or download the ebook version here, https://store.kobobooks.com/en-US/ebook/buti-pa-ang-roma-may-bagong-papa) 

BUTI PA ANG ROMA MAY BAGONG PAPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon