Pechay

2K 30 1
                                    

Hindi kita boyfriend pero ang tagal ko pinag-isipan kung ano ang regalo ko sa iyo sa Pasko. Ilang tao muna ang kinonsulta ko. Para nga sigurado, bumili pa ako ng tatlong klase ng regalo. Kuripot ako pero sa regalo mo, hindi ako nagtipid. Binili ko talaga kung ano iyong alam ko na magpapasaya sa iyo, hindi iyong kailangan mo kundi kung ano ang gusto mo. 

Hindi kita boyfriend pero kinarir ko ang pag-gift wrap sa box. Inulit ko pa nga dahil pangit ang pagkabalot ko noong una. At naka-limang palit ako ng gift tag. Gusto ko kasi maganda ang pagkakasulat ng “TO” at “FROM.” Nakakatawa nga dahil noong nagbabalot ako ng regalo, dumikit iyong scotch tape sa kuko ko at noong nilagay ko na ang tape sa gift mo, may sumamang bahagi ng red nail polish ko. Parang symbolism ‘yun. Part of me ay kasama na sa regalo na ‘yun.

Hindi kita boyfriend pero kapag naiisip kita lagi, nawawala na ako sa sarili. Minsan nga, sa kaiisip sa iyo, hindi ko na napansin na sumasakay na ako sa escalator sa MRT Ayala, naka-payong pa rin ako. Nagmukha na siguro akong tanga. 

(To continue reading this part, buy BUTI PA ANG ROMA MAY BAGONG PAPA in your nearest bookstore or download the ebook version here, https://store.kobobooks.com/en-US/ebook/buti-pa-ang-roma-may-bagong-papa)

BUTI PA ANG ROMA MAY BAGONG PAPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon