Switch

3.4K 39 1
                                    

May mga oras ba na wini-wish mo sana may switch ang puso mo? Yung puwede mong i-on at i-off kung kailan mo gusto?

Halimbawa, ayaw mo na sa dyowa mo. Sawa ka na maging martir. O kaya pagod ka na kakahabol sa crush mo na ilang taon mo nang pinagpapantasyahan pero dedma pa rin sa iyo. Magdedecide ka na lang na ayaw mo na. Kaya pipindutin mo iyong switch: OFF. Tapos. The end. Bukas, pag-gising mo, wala ka na nararamdaman sa kanya.

O kaya ang tagal ka na sinusuyo ng manliligaw mo. Mabait naman siya. May matinong trabaho. Pero hindi mo lang siya talaga siya mahal. O baka may kaibigan ka na umamin na type ka niya. Kahit wala kang nararamdaman para sa kanya, sana may button na puwede mong pindutin tapos – boom! Iyun na. Mahal mo na siya. Kayo na agad.

But it doesn’t work that way. Pakshet, no? Nakakabuwiset. Ang mas nakakainis. Bakit kung sino yung gusto natin, yun pa yung ayaw sa atin? At yung may gusto sa atin, ayaw naman natin.

(To continue reading this part, buy BUTI PA ANG ROMA MAY BAGONG PAPA in your nearest bookstore or download the ebook version here, https://store.kobobooks.com/en-US/ebook/buti-pa-ang-roma-may-bagong-papa)

BUTI PA ANG ROMA MAY BAGONG PAPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon