Gabi na.
Gabi na, pero gising pa rin ako. Gusto ko na nga matulog, pero gising pa rin ako. Ayaw na naman akong dalawin ni Antok. Busy ata sa panghaharana sa iba. Nakalimutan ulit akong dalawin. Hay, lagi na lang.
Katatapos ko lang maghilamos, pero hindi pa rin ako inaantok. Katatapos ko lang magdasal, pero hindi pa rin ako inaantok.
Kaya binuksan ko na lang ang cellphone ko at nag-check ng facebook. Una yung messages, minsan sinasagot yung chat, minsan binabasa lang. Tumingin ako sa notifications ko. Like dito, comment doon.
At saka ang news feed. Kung saan nakakabalita ka sa mga kakilala mo, kahit di mo naman sila nakakausap. Yung tipong, "Ay, kinasal na pala siya", "Hala, buntis si ano?" "Wow! Buhay abroad na si kwan." Ganyan. Technology ruins relationships. Imbes na makibalita sa tao mismo, hindi na kailangang kausapin pa siya. May balita ka na e, at minsan it's enough. Pwera na lang kung sobrang close friend mo siya at gusto mo talagang magkakwentuhan kayo. Hay, may naalala tuloy ako.
Kaka-scroll down ko sa news feed, bumulaga sa akin ang isang post at isa pang post, at isa pang post na galing lamang sa iisang tao. Aba, kakasabi ko lang may naalala ako, nagpakita kaagad.
Yung isang taong stranger noon, friend and then close friend, at stranger again.
May balita ang news feed tungkol sa kanya. Nakauwi na siya galing sa ibang bansa. Bakasyon ata. Sumunod na post ay mga pictures niya. Bumisita pala siya sa probinsya nila. At ang panghuli ay yung isang reunion nila ng batch nila.
Ah, nakauwi na pala siya. Okay.
Tiningnan ko kung sino sa mga fb friends ko ang active sa chat. Boom! Andun din pala siya. Online.
Tinitigan ko ang green na bilog at ang word na 'mobile' katabi ng pangalan niya. Minsan, trip kong i-click ang pangalan niya at automatically bubukas na yung chatbox, pero automatically kino-close ko din. Ano naman ang sasabihin ko?
Pero kakaiba ang gabing ito. There's something inside my heart pushing me to strike a conversation with him. Pero kahit yung pambungad na 'Hi!' parang ang hirap itype.
Hopeless. I'm so hopeless.
Tinabi ko na lang ang cellphone at kinumutan ang sarili pati ang mukha. Pinikit ko ang aking mga mata, at pinilit matulog.
Ngunit pagkapikit ko, biglang pumasok sa isip ko ang maraming what ifs. What if magkita kami ulit? Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Ano kaya ang magiging reaksyon ko? Mahuhulog ba ako ulit o wala nang kahit konting tibok sa puso ko? Naku, dapat wala. Kasi kung meron, patay kang bata ka!
"Hay naku, matulog na kasi ambisyosyang palaka! Huwag na mag-isip!'
Pero nga the more you isip, the more you cannot sleep. Kaya naman, nagpray ulit ako. "Lord naman, patulugin Mo na ako. Yung lullaby na."
Di lumaon, nakatulog na rin ako. Naglullaby nga ang mga anghel. Pero subconsciously, may ibang klaseng lullaby din akong nakikita--- ang panaginip ko, ang weirdong panaginip ko.
Kasama ko siya.
Gaya nung dati, nag-uusap kami, at kami lang. Masaya yung kwentuhan namin. Iba-ibang klaseng topic ang pumapasok sa mga utak namin at basta na lang lumalabas sa bibig.
Nagtawanan kaming dalawa na parang wala ng bukas. At may high five pa. Parang super friends!
Hanggang doon lang yung panaginip ko. Bitin noh? Ako nga nabitin din e.
Pero yun talaga ang dahilan kaya isang gabing tulad ngayon, ay nagising ako at tumayo mula sa pagkakahiga. Binuksan ang laptop at naglog-in sa facebook at naglakas loob na mag-type ng message para kay Papa Fall.
BINABASA MO ANG
Dear Papa-Fall
SpiritualIsang gabing di ka makatulog at bigla na lang siyang pumasok sa isip mo. Siya na dati kausap mo sa chat gabi-gabi, pero ngayo'y hanggang tingin ka na lang sa bilog na green sa facebook kapag online siya, at kahit sa mobile icon kapag offline siya. I...