✨❤️Chapter One❤️✨

1K 35 9
                                    

NANGHAHABA ang nguso ni Roni habang nakatingin siya sa ka-love team niyang si Borj. Hindi niya maintindihan kung bakit sa itinagal-tagal niya sa show business ay ito pa rin ang ka-love team niya. Ngunit dahil nagki-click sila sa masa ay wala siyang magawa. Kumbaga, magkarugtong na ang pangalan nila. Kapag nabanggit ang pangalang "Borj Jimenez," kasunod na niyon ang pangalan niya. Ano nga ba ang problema niya kay Borj?

Hmm... Hindi niya gusto ang pang-aasar nito sa kanya sa best friend
nitong si Tom Madrigal, isang sikat na mang-aawit sa bansa. Matagal na
niyang isinuko ang pag-ibig niya kay Tom mula nang ma-engage ito sa
nobya nitong si Shaina. Sa mga susunod na buwan nga ay ikakasal na ang mga ito. Hindi niya gustong sirain ang pag-iibigan ng mga ito hindi lang dahil sa napakabusilak ng pag-ibig niya kay Tom, kundi dahil alam niyang hindi niya ito kayang pasayahin na gaya ni Shaina.

"Ano na, Borj? Makikipag-chika-han ka pa rin ba riyan? Ikaw na lang
ang hinihintay ng buong team. Masyado ka nang paimportante!" inis na inis na sabi niya rito. Kanina pa kasi ito nakikipaghuntahan sa bagong staff ng team nila.

"Pasensiya na ho, boss," nakangiting wika ng damuho sa kanya. Kung hindi lang niya pinagkakakitaan ang pagiging ka-love team nito, nunca na
pagtiyagaan niya ang kumag na ito. Tinalikuran niya ito.

Sinundan agad siya nito. "Ikaw naman, nagselos ka kaagad kay Paula," anitong ang tinutukoy ay ang kausap nito kanina.

Lalong kumulo ang dugo niya sa sinabi nito. "Hoy, Borj Jimenez,

kahit siguro isang milyong babae pa ang iparada mo sa harap ko, hindi

ako magseselos ni katiting. Feeling-guwapo ka na naman," panonopla niya rito.

"Kayong dalawa, tigilan na nga ninyo 'yan. Ilang taon na kayong parang
aso't pusa, hindi pa rin ba kayo nagsasawa?" tanong ni Direk Cathy sa kanila, ang direktor ng pelikula na kasalukuyan nilang ginagawa. Halos
lahat ng pelikulang pinagtambalan nila ni Borj ay ito ang naging direktor nila kaya sanay na sanay na ito sa kanila.

Nagsimula na ang pagshu-shoot nila. Kung gaano siya naiinis kay
Borj, ganoon din ang karakter na ginagampanan niya kaya hindi siya
gaanong nahirapan kompara sa mga dati niyang role na siya ang
humahabol-habol dito.

Wala siyang masasabi sa acting skills ni Borj. Aminado siyang mahusay talaga ito. Minsan ay may naibabahagi naman ito sa kanya na
magandang technique kung paano niya mas magagampanan nang natural ang mga role na ibinibigay sa kanya. Ngunit maliban doon ay pulos sakit na ng ulo at konsumisyon ang ibinibigay nito sa kanya.

"Alam mo, Djanggo, hindi kita type kaya huwag kang umasta na parang gustong-gusto kita. At ang kapal din naman ng mukha mong ipagkalat sa
buong campus na boyfriend kita, 'no," punong-puno ng kombiksiyong
pagbitaw niya sa kanyang linya.

Tiningnan siya ni Borj na parang nasaktan ito sa sinabi niya. "Hindi
ko 'yon sinasadya, Bibay," pagbitaw rin nito ng linya nito. "Iyon lang naman kasi ang paraang naisip ko para pansinin mo ako. Sorry na," anito na hinawakan pa ang kamay niya.

Nang pareho nilang marinig ang salitang "Cut!" ay mabilis na binitiwan nito ang kamay niya. Walang problema iyon sa kanya. Kahit kaunti ay hindi nito nasaling ang pride niya. Hindi naman talaga niya gustong hinahawakan siya nito. Sa halip ay inirapan pa niya ito.

"Good take," ani Direk Cathy sa kanila, pagkatapos ay bumaling ito sa kanya. "Bagay na bagay pala sa 'yo ang ganyang role, Roni, parang may pinaghuhugutan lang," panunudyo nito sa kanya.

"Kayo talaga, Direk," umiiling na wika niya, saka nagtungo sa tent na
pinag-iwanan niya ng gamit niya. Kasunod niya si Myla, ang personal
assistant niya na naging kaibigan na rin niya. Masasabi niyang close sila nito at maituturing niyang kapamilya na niya dahil sa tagal ng pinagsamahan nila.

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon