✨❤️Chapter Ten❤️✨

301 27 5
                                    

DAHIL kailangan nang bumalik ni Borj sa Maynila kinabukasan ay
nagpasya itong isama ang ina nito sa bahay nina Roni. Buong maghapong
nag-stay ang mag-ina sa kanila.

"Nakakainggit ka, Marite, kasama mo pa ang asawa mo," narinig ni Roni na wika ni Tita Kristine sa kanyang ina.

"You have Borj naman, Kristine," sagot ng kanyang ina.

"Naiinggit lang ako sa sweetness ninyo. Isa pa, kapag bumalik na sa
Maynila ang anak ko, pulos kasambahay na naman ang makakasama ko sa bahay," reklamo nito.

"Dapat kasi, magkatuluyan na sina Roni at Borj para extended na ang
pamilya natin. Magiging masaya ako kung magkakasama tayo sa isang bahay."

Napailing na lamang siya sa sinabi ng kanyang ina. Hinila na lamang niya si Borj papunta sa bakuran nila.

"Ang kukulit nila, 'no?" wika niya kay Borj.

Ngumiti ito. "But they're so cute. Nakakatuwang nagkakasundo sila.
Mukhang mawiwili ang mommy ko sa bahay ninyo."

"Ayos lang naman kahit araw-araw pang narito sa bahay si Tita Kristine. Mas magiging masaya si Mommy dahil magkakaroon siya ng kahuntahan, lalo na kapag nasa ospital si Daddy."

"Siyanga pala, two weeks from now ay magpapaopera na si Mommy, puwede mo ba kaming samahan sa ospital?"

"Oo naman. Kahit hindi mo ako anyayahan ay sasamahan kita. Alam ko namang kailangan mo ng suporta para sa mga sandaling iyon. At
ipagdarasal ko rin na sana ay maging matagumpay ang operasyon."

"Salamat, Roni."

"Siyanga pala, hindi ka na ba kinukulit ng mommy mo tungkol sa
panliligaw sa 'kin?"

"Kinukulit pa rin."

"Ano'ng sabi mo?"

Nagkamot ito sa ulo. "We're working things out." Tuwing ginagawa nito
iyon ay lalo siyang naku-cute-an dito.

"Naniwala siya?"

"I think so," nakangiting sagot nito.

"Huwag kang mag-alala, matatapos din ang pagpapanggap na ito kapag
magaling na si Tita."

"Ikaw talaga. Basta, salamat sa 'yo. Ikaw talaga ang anghel ng buong
buhay ko," nakangiting wika nito, saka siya inakbayan.

"Huwag mo nga akong utuin," aniya habang pinipigil ang kilig. Para
siyang bumalik sa pagiging teenager. Gusto niyang mag-tumbling at magtatalon sa kilig.

"Ikaw naman talaga ang anghel ko. I'm glad we're friends," dagdag nito.

All of a sudden, nawala ang kilig, ang spark, at ang magic. Nawala rin pati ang pag-asang inipon niya sa puso niya. Kailangan ba talagang
ipamukha nito sa kanya na magkaibigan lang sila?

"Ako rin," walang kaemo-emosyong sagot niya rito. "I'm glad we're friends."

"May gitara ka ba rito?" mayamaya ay tanong nito sa kanya.

"Merong gitara ang kuya ko. Bakit?"

"May pa-practice-in lang akong kanta. May guesting kasi kami ni Jane bukas sa isang talk show. Alam mo na, requirement na may special number ang mga guest."

Sa pangalawang pagkakataon ay nasaid ang lahat ng mahikang nararamdaman niya kanina. "Sandali, kukunin ko."

Pagbalik niya sa bakuran ay naroon na ang mga magulang niya at sina Tita Kristine. "Mainit ba sa loob?" tanong niya sa mga ito.

"Hindi naman, anak. Narinig ko lang na kakanta si Borj kaya lumabas kami," sagot ng kanyang ina.

Iniabot niya kay Borj ang gitara. Umupo ito sa harap nila. Para itong performer at sila ang audience. Mukhang ayaw nitong mapahiya kay
Jane. Nanghaba ang nguso niya sa isiping iyon.

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon