✨❤️Chapter Seven❤️✨

323 30 4
                                    

"RONI, THIS is my mom," pagpapakilala ni Borj sa ina nito. Naroon siya sa bahay nito dahil inimbita siya nito.

"Good morning ho, Mrs. Jimenez," bati niya sa ginang. Natatangi pa rin ang ganda nito kahit may-edad na.

"Tita Kristine' na lang ang itawag mo sa akin, hija," nakangiting wika nito. Pati ang mga mata nito ay tila nakangiti rin kapag ngumingiti ito.

Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya papunta sa kusina. "Samahan mo akong mag-bake." Nagulat man ay nagpatianod na lamang siya. Nang sumunod si Borj sa kanila ay bumaling ito sa anak nito. "Anak, you're not allowed here, girls' bonding 'to."

Nagkamot sa ulo si Borj. "Ha? Paano ako?"

"Matulog ka muna o kaya ay mag-swimming ka muna sa pool."

"Mommy naman!" reklamo ni Borj.

"Maghanap ka ng ibang gagawin, sige na," malambing na pagtataboy ng ginang sa anak.

Walang nagawa si Borj kundi tumalima. Tinawanan lamang niya ito.

"Mahal na mahal niya ho kayo," aniya sa ginang.

"Yes, he does. At mahal na mahal ko rin ang anak kong 'yon. Anyway, hindi ka ba niya nililigawan?" nakangiting tanong nito.

Hindi kaagad siya nakasagot. Hindi niya inaasahang iintrigahin siya nito
nang ganoon. "Naku, Tita, hindi po. Magkaibigan lang kami niyan ni Borj," sabi niya nang makabawi.

"Ang showbiz mo namang sumagot," panunudyo nito. "Alam mo bang hindi pa nagpakilala ng nobya si Borj sa akin? Hindi ko alam kung hindi pa
talaga siya nai-in love o torpe lang talaga ang anak kong 'yon," nakangiting wika nito habang inihahanda ang ingredients ng ibe-bake nila.

"Matagal na po kaming magkatrabaho. Hindi ko pa ho siya nakitaan ng girlfriend. Meron siyang nakaka-date, ayon sa ilang mutual friends namin, pero pulos hanggang ganoon lang daw. Sa tingin ko ho, he's still searching for the right one."

"Ikaw ba, hija, may nobyo ka na ba?"

Nakangiting umiling siya. "Wala ho."

"Bakit naman? Hindi mo pa rin natatagpuan si Mr. Right?"

She enjoyed her company. Para siyang nakikipag-usap sa nanay cum best friend niya. Bigla tuloy niyang na-realize na matagal na nga pala siyang walang nanay na nakakausap nang ganoon. Hindi niya napigilan ang malungkot. She missed her family so much.

Ikinuwento niya rito ang tungkol sa pagkakagusto niya kay Tom Madrigal. "Hindi siguro talaga siya para sa 'kin. He ended up with his
bestfriend, Shaina. Masaya naman ako para sa kanya kahit na nanghihinayang ako. Pagkatapos ho n'on ay wala na akong ibang nagustuhan."

Ngunit tila may isang bahagi ng pagkatao niya ang sumalungat nang
sabihin niyang wala na siyang ibang lalaking nagustuhan. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Inaatake na naman siya ng kabaliwan.

"How about my son? Hindi mo ba siya nagustuhan kahit kailan?"
deretsahang tanong ng ginang. She was torn between saying "yes" and
"no." "Honestly, hija?" pangungulit nito nang hindi kaagad siya nakasagot.

"Hmm... Lately po ay mas naa-appreciate ko ang presence niya. Noong una po kasi ay hindi kami ganito ka-close. Ngayon ay nag-e-establish na kami ng friendship. Hindi ko po alam kung gusto ko na siya. Or maybe yes, gusto ko na nga siya," litong-litong pag-amin niya.

Ngumiti ito. "Uncertain ka pa. Naalala ko tuloy noong nanliligaw pa sa akin ang daddy ni Borj. Ganyan din ako, litong-lito. At dahil na rin
siguro nalilito ako ay sinagot ko na lang siya," anito, saka tumawa.

Nakakahawa ang tawa nito kaya hindi niya napigilang sabayan ito sa
pagtawa.

"Alam mo, hija, masarap magmahal. Kahit minsan ay meron kayong
pinagtatalunan o hindi pinagkakasunduan ng partner mo, iba pa rin 'yong alam mong may nagmamahal sa 'yo. Iba pa rin 'yong may tumatrato sa 'yo na espesyal ka," nakangiti ngunit seryosong wika nito.

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon