✨❤️Chapter Four❤️✨

300 26 7
                                    

NAKAUPO si Roni sa sofa habang pinagmamasdan niya sa labas ng bintana ang malakas na buhos ng ulan. Alas-diyes pa lang ng umaga pero parang gabi na. Nakabalabal sa katawan niya ang comforter niya sa kama. Pangatlong tasa na ng kape ang iniinom niya. Minsan, masarap sa pakiramdam ang magpahinga sa bahay habang umuulan.

Mayamaya ay nagulat siya nang biglang tumunog ang cell phone niya Nanginginig ang mga kamay na dinampot niya ang aparato nang makita niyang si Borj ang tumatawag.

"Yes?"

"Na-stranded ako sa baha. Sobrang traffic. Malapit lang ako ngayon sa
condo mo. Puwede mo ba akong sunduin dito?" pakiusap nito, pagkatapos ay sinabi nito ang eksaktong lugar kung nasaan ito.
Hindi na niya pinag-isipan ang isasagot dito. Basta pumayag na lang
siya. Dali-dali siyang kumuha ng payong at lumabas para sunduin ito.

Hindi pa siya nakakalayo sa gusali ng condominium niya ay nasalubong na niya si Borj. Iniwan na raw nito sa driver ang sasakyan nito.

Nang nasa loob na sila ng condo unit niya ay hinubad nito ang polong
suot nito kaya nakasando na lamang ito. Hinubad din nito ang sapatos at
medyas nito. Baliw na siya kung baliw pero natutuwa siyang tingnan ito.

"Saan ka ba kasi pupunta?"

"Pauwi na ako, galing ako ng Pampanga," sagot nito, saka umupo sa tabi niya. "Dinalaw si Mommy."

Ilang araw na sila na parang magkaibigan na kung mag-usap. Masaya naman pala ang ganoon, para siyang nabunutan ng tinik.

"Taga-Pampanga ka rin pala," nakangiting wika niya rito.

"Ikaw rin?" malapad ang ngiting tanong nito sa kanya.

"Wa," sagot niya rito na kung ita-translate sa Tagalog ay "oo" ang
ibig sabihin.

"Mumuli ka pa keng Pampanga?" tanong nito sa diyalektong Kapampangan.

Pilit na itinago niya ang lungkot na nadarama. "Hindi na ako umuuwi
ro'n."

"Bakit?"

"Ekami okay ning pengari ku," sagot niya. Matagal na niyang hindi
nagagamit ang dialect na iyon.

"Magaling ka pa ring mag-Kapampangan," anito. "Bakit hindi kayo okay ng parents mo?"

"Huwag ka ngang umarte riyan. Alam mo kung ano ang problema ko sa pamilya ko. My life has been an open book. Alam nga ng media, eh,"
aniya, saka tumawa. "Huwag lang talaga nilang pangangalanan ang pamilya ko o maglabas man lang ng litrato nila sa publiko dahil malalagot talaga sila sa 'kin," pabirong sab niya.

Nagkaroon na siya noon ng isyu tungkol sa pagtatakwil sa kanya ng
kanyang mga magulang. Inamin niya iyon noon dahil wala ring sense kung
itatago niya iyon. She was glad her supporters accepted it. Hindi iyon
naging dahilan para mawala siya sa limelight.

"Giniginaw ka ba?" pag-iiba niya ng usapan. "Teka, ipagtitimpla kita ng
kape." Kahit madalas na niyang hindi nakakasama si Myla dahil abala ito
sa pag-aayos ng nalalapit na kasal nito ay ayos lang sa kanya dahil lagi
namang naroon si Borj para sa kanya.

"Salamat," ani Borj nang iabot niya rito ang tasa ng kape.

Umupo siya sa tabi nito at binuksan ang telebisyon. Pinag-usapan nila
ang lahat ng kapwa nila artista na nakikita nila sa TV.

"Ang sama mo," wika nito sa kanya pagkatapos niyang magkomento tungkol sa isang bagong artista na in-interview sa show na pinapanood nila.

"Totoo naman, nagparetoke 'yan ng boobs. Itanong mo pa kay Doctora
Belo," natatawang wika niya. Ang Doctora Belo na sinasabi niya ay
isa sa pinakamagaling na cosmetic surgeon sa bansa.

"Ngayon ko lamang nalaman na tsismosa ka pala," pambubuska nito.

"Ah, tsismosa ako? Puwes, tsupi! Umuwi ka na sa bahay mo at baka
itsismis pa kita," aniya, saka binelatan ito. Inakbayan siya nito. "'Ito naman, siyempre joke lang 'yon."




End of Chapter 4 ❤️❤️❤️

Please hit the ⭐️...

Feel free to leave some comments and reactions. Enjoy reading.

Thank you! ☺️

Thank you! ☺️

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon