"Happy birthday to you... Happy birthday to you." Naalimpungatan Ako at unti unting bumangon dahil sa ingay na naririnig ko na kumakanta. Idinilat ko Ang mga mata ko at unti unting ngimiti. Mama ko...
"Happy birthday, happy birthday... Happy birthday Prinsesa ko..." Pag awit niya.
"Blow the candle na?" Inilapit niya sakin Ang cake habang hawak hawak niya Para mahipan ko. "Make a wish muna ikaw anak..." Tumango Ako at ipinikit Ang mga mata.
Sana magkaroon na Ako ng kakayahan upang Makapag salita... Hiling ko sa aking isipan bago hinipan Ang mga kandila.
Dali dali nilapag ni mama Ang cake upang mayakap Ako at iyon din Ang ginawa ko. Unti unti Kong naramdaman Ang pag yugyog ng mga balikat ni mama Kaya tiningala ko siya At binigyan ng nag tatakang tingin.
"W-wala to anak,Hindi u-umiiyak si mama..." Sabi niya ng hindi nakatingin saakin, pero naririnig ko Ang bawat hikbi niya na kumakawala kahit anong pigil, mga luhang pumapatak na ayaw paawat.
Nasasaktan Ako Kasi Wala akong magawa kundi hagkan siya at yakapin Hindi ko manlang masabi Ang mga katagang baka sakaling makakapag paalis ng sakit na nararamdaman niya... Nasasaktan Ako Kasi alam Kong nasasaktan siya dahil saakin. Gusto Kong umiyak, pero ayoko. Hindi dapat Makita ni mama na malungkot Ako, dahil Ang aking mga ngiti nalang Ang nag bibigay liwanag sakanyang mga mata.
"A-ang laki na ng baby ko..." Humihikbi nyang sabi. Hinalikan ko sya sa pisngi para kunin Ang atensyon niya dahil ayaw niya tumingin sakin. Pinunasan niya Ang mga luha bago nag angat ng tingin sakin Pero bakas padin ng mga Sariwang luha Ang kanyang mukha. Mama...
"Proud Ako sayo. Proud na proud si mama sayo huh? Kahit sa mga kahinaan mo, proud Ako anak ko..." Nakangiti nyang sabi. Nginitian ko si mama yun lang Naman Kasi Ang Kaya Kong gawin eh... Pero gusto Kong sumagot ng Thank you mama, Kaya Mahal na Mahal kita eh, Nag susumikap ka para sakin... Sa atin kahit na Wala na si papa.
"Gusto mo kainin na Yung cake mo?" Tanong niya at hinalikan Ang aking noo. Umiling Ako bilang sagot.
"Hala, alas dose na Pala. Pasensya na anak ginising kita huh? Matulog kana." Hinaplos ko Ang pisngi ni mama at tinitigan siya sa mata. Ma, tabi tayo...
"Tabi tayo?" Tumango Ako bilang sagot.
"Sige, mahiga ka na muna at ilalagay ko sa ref Yung cake ha?" Hinalikan niya muna Ang noo ko bago niya kinuha Yung cake at Ako Naman humiga na.
Mahal na Mahal Ako ni mama... Nasasaktan Ako na sa bawat mga salitang binibitawan niya ay Wala akong masagot. Ganito padin Kaya Kung Hindi nawala si papa? Siguro mas Masaya si mama Kung si papa Ang kasama niya... Hindi siguro mag hihirap si mama ng ganto Kung si papa kasama niya. Sorry ma, Mahal kita.
"Matulog kana baby ko." Hindi ko namalayan na nakahiga nadin Pala siya sa tabi ko at pinag mamasdan Ako. Hinawi niya Ang mga luhang pumapatak na Hindi ko manlang namalayan na tumulo na Pala.
"Huwag ka ng umiyak, love ka ni mama... Shh..." Niyakap niya ko habang hinahaplos ang buhok ko.
"M-miss mo na si papa mo?..." Mahina niyang tanong Kaya tumango Ako. Sana nandito pa si papa... I'm sorry mama...
Ayaw kong maramdaman mo na nasasaktan Ako ayaw Kong nakikita mo Kong umiiyak ayaw ko sa tuwing iniisip mo na kulang ka. Mama sapat kana sobra sobra, pero nasasaktan Ako Kasi nawalan ka ng taong nag ma-mahal sayo ng sobra sobra, na palaging sinasabi sayo Kung gaano ka niya kamahal, pero dahil sakin Wala na... I'm sorry.
Hindi ko namalayan na nakatulog nalang kami ni mama ng kalungkutan Ang iniisip.
"Good morning birthday girl." Nag uunat unat pa ko ng pumasok si mama sa kwarto. Lumapit siya sakin at hinalikan Ang noo ko. Napangiti Ako.