Buhat buhat ko pababa si wybie habang nag lalakad ng bigla siyang tumalon pababa at tumakbo kaya nagulat ako sa biglaang galaw niya.
"Wybie!" Rinig kong tawag sa aso ko ng isang babae, agad kong nilingon iyon kung saan patungo si wybie at nakita si icy. Agad agad na binuhat ni icy si wybie bago lumapit sakin at kumaway.
"Hi ate eluie! Wybie just came out from somewhere then lumapit to me! does that mean she missed me?!" Masayang sabi niya at tumango ako. Malamang miss siya ni wybie kay charles lang naman siya tumatakbo ng ganyan pag ang tagal nilang hindi nag kita.
"kuya's! wybie missed me?!" Siba niya sa mga kapatid niya ng hindi makapaniwala.
"Yeah?" Sagot ni cloud na nakatingin sa kapatid.
"Yes! she jumped in me so i carry her." How cute. Inaabangan kong tumingin din saakin si cloud pero mariin ang titig niya sa kapatid na akala mo mawawala ito pag nalihis ang mga mata niya. Napatalon ako ng akbayan ako ni cost.
"Bro..." Tawag niya sa kapatid kaya lumingon ito sakanya kaya aksidentang nahagip ang mga mata ko pero mabilis niyang ibinaling kay cost ang mga mata niya. Binigyan niya lang ito ng matalim na tingin at agad bumaling kay icy na buhat buhat si wybie.
"Nahihiya yan i swear, ikaw ba naman may makaamoy ng bomba mo eh?" Bulong sakin ni cost kaya siniko ko siya at agad niyang itinaas ang kanyang dalawang kamay na parang sumusuko sa pulis kaya tinignan ko siya ng masama pero tumaas lang ang sulok ng labi niya at kumindat.
"Cost!" Rinig kong tawag ng kuya niya sa table nila kaya lumapit na siya doon pero bago umalis ay binigyan ako ng nakakalokong ngiti. Parang tanga.
"Kuya i need to pee!" Nag mamadaling saad ni icy at agad ipinabuhat kay cloud si wybie at dali dali tumakbo papuntang bathroom.
"Eluie." Tawag sakin ni cloud na agad kong binalingan at itinaas ang kilay.
"here's wybie... Sorry about earlier, can i ask you out? pangbawi lang." sabi niya pa kaya napatigil ako bago biglang natauhan at kinuha si wybie bago tumango. Hindi naman na kailangan pero, hindi naman masama kung pumayag ah?
"R-really?" Hindi maka paniwalang tanong niya. Tumango ako ulit.
"Play ground. I'll pick you up there, is it okay?" Nakangiting tumango ako.
"Eluie!" Tawag sa akin ni Charles kaya itinaas ko ang mga kilay ko.
"May banda daw na tutugtog sa bagong resto mamaya, punta tayo?" Excited niyang tanong pero umiling ako. Kumuha ako ng papel at sinulat "May nag aya sakin!" Ibinigay ko sakanya yon at napasimangot naman siya.
"Sino?" Nakabusangot niyang Tanong.
Kinuha ko ulit ang papel at isinuat doon ang "Guess who?""Mukha ba Kong manghuhula?" Masungit na anong niya kaya iniripan ko siya. "Si cloud." sulat ko sa pangalan ni cloud na lalong ikina busangot ni Charles.
"Date. Yari ka kay tita, isama mo daw ako." oa niyang sabi. "Wlang sinabi si mama na bawal, libre lang yon, wag ka ngang oa." sulat ko pa.
"Pumayag si tita?!" nag he-histerya nyang saad. binigyan ko lang siya ng duhh obviously look.
"Aba't walang sinabi sakin si tita ah?" nakakunot noo niya pading tanong.
Balisa akong nag hahanap ng damit habang hindi padin makapaniwala, biruin mo yun naki poopsie lang syia at naamoy namin tapos babawi na kaagad?! Wala lang naman iyon ah mabaho lang talaga.
Nag ayos na ako at isinuot ang white sling polka dot backless dress at pinatungan ko ng Brown denim jacket at sa paa naman ay brown high heels sandals na binili sakin ni tita charlene. Matangkad na ako pero mas gusto ko padin nag susuot ng mga heels kaya mag kasundong mag kasundo kami ni tita Charlene pag dating sa mga heels at pananamit.