"LUIE!!!!" Matinis na sigaw ni Vianna.
Tumatakbong lumapit siya sakin at yumakap, "I missed you! Belated Happy birthday nga Pala huh?!" Tinanguan ko lang siya at ngumiti.
"Mag kaklase tayo sa first subject! Okay na Sana kaso science, Ang hirap hirap non ang aga aga sasabog na kagad utak ko. Ay wala pala ko non. Ahi-hi-hi." Humagikgik siya at napa iling nalang ako habang nakangiti. Sobrang tyaga niya grabe kahit di ko siya kinakausap dahil nga di ako makapag salita ang dami padin niyang daldal na minsan siya na sumasagot sa mga sinasabi niya at pinapakinggan ko lang siya, nakaka aliw Kasi siya kasama.
"Let's recall the lessons you've learned last year class. Get an index paper and pass it to me now. Who ever put the last index card here will be the first one I'll ask." Bungad ni ma'am Laza pagkapasok na pagkapasok sa silid paaralan. Dali dali naman naming sinulat ang aming mga pangalan at nag unahan ilapag doon.
"Mr.Rodrigueze stand up." Tinignan Namin si Python na kumakamot ng ulo habang tumatayo.
"How is theology Science?" Tanong ng teacher.
"U-uhh ano Kasi yon...?" Kumakamot batok niyang Sabi tapos tumingin sa mga tropa niya.
"May kuto ka ba Mr.Rodigueze? Kanina ka pa kamot ng kamot." Tanong ni ma'am Kaya tumayo siya ng tuwid.
"W-wala ma'am..." Nakanguso niyang Sabi.
"So...?" Seryosong tanong ni ma'am.
"B-because..."
"Because?"
"Ma'am si Angelo Kasi eh."
"Nak ng, bakit Ako?!" Sigaw ni Angelo sakanya.
"Grade 12, na kayo tapos ganiyan padin asta niyo?!" Sigaw ni ma'am sakanila.
"Dela Cruz! How is Theology a science?!" Tawag niya sa kaklase naming matalino.
"Because For McGrath Theology is the science reflecting on the God who is considered to be the Creator of the natural world on which natural sciences focus their activities. McGrath envisages the complementarity of the two sciences. Theology, when describing reality, must allow itself to be informed by natural sciences.
"Thank you, Ms.Dela Cruz."
"Welcome ma'am!" Sabi niya at umupo na.
"Lui! Sabay na tayong tatlo tayo Naman mag kaklase eh." Tumango lang Ako at pinag gitnaan naman ako nila Python at Angelo.
"Hoy! Bantayan niyo yang bestfriend ko ha!" Sigaw ni Vianna habang kumakaway Kasi magkaiba kami ng room.
"Ang ingay talaga ng bunganga ng bestfriend mo." Napailing na Sabi ni python.
"Buti hindi mo binubusalan luie? Tanong naman ni Angelo. Kung pwede lang Angelo baka matagal ko ng ginawa at idadamay ko pa kayo.
"Kanina tayo nanaman Nakita ni ma'am." Nakanguso na Sabi ni python.
"Tangina mo kasi, ng dadamay ka pa nananahimik ako." Sagot ni Angelo at binatukan si Python.
"Kaya nga till death do us part Diba?"
"Yuck! Mukha ba tayong kinasal?!" Nangdidiri Ang mukhang pinakita niya. Nakakatuwa silang kasama kahit na Minsan stress na ko dahil para silang tanga mag bibiruan tapos mag sasagutan ang sakit sa ulo.
Natapos ang klase sa umaga ng sobrang sakit sa ulo hindi dahil sa lessons, Kung hindi dahil pinapag gitnaan ako nila Python kaya sobrang ingay mas nakaka stress sila kesa sa subject ang sarap ipag untog buti nalang hindi Ako nananakit. Pero minsan ma try nga.