Joyce's POV
June, umpisa na naman ng klase. 10 months ko na namang pagtyatyagaan ang itsura ng mga kaklase ko. Haayy.. at 10 months ko ulit makikita si Chan, Christian Enriquez, the love of my life. Hahaha. Charot. Landi ko na naman. First day pa lang landi din agad ee. At dahil first day, siyempre maaga ako. Ang sama naman kasi kung late ako sa first day.
5 minutes pa lang mula nung nakarating ako dito sa school at medyo mapaaga nga talaga ako. 7:05 a.m pa lang pala, at nagoyo na naman ako ng aking pinakamamahal na ina. So hintay hintay lang ako dito sa benches, hanap ng mga transferees na gwapo. Maya-maya, nagsidatingan na ang mga friends ko. Nauna si Justine Cave, ang matangkad at brainy sa amin, well brainy naman kaming lahat pero lamang lang siya. Sunod si Jency Navalta, pinakamatangkad sa grupo, nagtataglay ng kasungitan pero mabait. Then si Eisheene Damasco, well kasama ko siya sa kalokohan, siya ang pinakamadaming boyfriend sa amin. Zhiena Pascual, mahinhin yan. Dalagang pilipina ang kilos. Next Danah Cruz, ang pinakabata sa amin, magaling sa violin. Pamela Naval, the black beauty and Nikka Mendez, kasama namin sa kalokohan yan. Siyempre di mawawala ang dalawang pogi sa amin, Klifford del Valle and Adrienne Santivaniez.
At dahil kumpleto kami, walang katapusang kwentuhan tungkol sa bakasyon ang nangyari habang hinihintay namin ang iba pa naming kaklase. Nagkwentuhan din kami about sa mga new transferees dito sa school. And I've found out na madami ngang transferees ngayon. Gaya na lang ng kasama ni Eisheene na kakasundo niya lang sa gate. Matabang babae na maitim na mukhang maldita pa sa akin. At siyempre nagpakilala kami. Bilang ako ang pinakafriendly sa amin, ako na ang nauna.
"Hi! I'm Joyce. Nice to meet you." Pakilala ko sabay lahad ng kamay ko.
"Hello Joyce, I'm Janine. It's nice to meet you too." Pakilala niya din at tinanggap ang pakikipagkamay ko.
Hanggang sa nagsisunudan na silang magpakilala sa new classmate and friend namin. Saktong tumunog ang bell. Sign na kailangan na naming pumila para sa flag ceremony. Magulo at maingay ang pila namin, pano nagkakamustahan.
Pagkatapos ng flag ceremony ay pina-stay pa kami ng principal para i-welcome ang mga freshmen at mga transferees. Pagkatapos ay pinapunta na kami sa assigned classrooms namin.
Ang ingay pa rin namin kasi wala pang teacher. Magulo lahat. Ako, busy sa paghahanap kay Christian kasi di ko pa siya nakikita. Nandito na si Danica pero wala pa siya. Nilapitan ko si Danica para itanong kung nasaan siya.
"Brad, nasaan si Chan? Bakit di mo siya kasabay pumasok? Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa pinto.
"Male-late daw siya ee. Baka maya-maya nandito na din yun.
True enough kasi 2 minutes pa lang ay nakita ko na siya. Wearing his complete uniform, new haircut, his deep brown eyes plus his killer smile. My goodness nganga na naman ako. Ewan ko ba basta pag nakikita ko siya nagiging slow lahat. Bumibilis ang tibok ng puso ko.
First year pa lang kami ay crush ko na talaga si Chan. Pano, ang galing niya magplay ng keyboard at kumanta. Ang puti niya, all smile siya sa lahat at friendly. Di nga ako makapaniwala, pati parents ko na siya ang magiging dahilan ng pagiging babae ko. Pano totomboy ako nun. Eh ako ang nag-iisang inica hija nila. 3 lang kasi kaming magkakapatid at puro lalaki pa ang mga kapatid ko. Ako ang bunso. Takot silang maging 3 ang anak nilang lalaki.
Natigil ang pagpaflashback ko nang tumigil siya sa harap ko at nag-hi. Siyempre nag-hi din ako. Bumalik na ako sa upuan ko kasi parating na yung first teacher namin. May kasamang transferee, lalaki. Di naman yata kapwapuhan, gwapo pa si Chan ko, tsaka medyo maitim tapos chubby. Not my type. Pero there's a part of me na gusto ko siyang makilala. Umupo siya sa tapat ng desk namin. Ang tahimik naman niya, at dahil dun ayun napag-trip-an siya ng mga kaklase ko,at kasama ako. Hahaha. Pero di niya alam,.Crush na nga agad ni Jam. Wait.... pati yata ako attracted na sa kanya? No way.
BINABASA MO ANG
Always You
General FictionMaria Angelica Joyce del Fierro, babaeng ilang beses ng nagmahal at nasaktan sa isang lalaki. Hindi makawala sa kanyang nakaraan. Ilang beses ng nasaktan pero palaging nagmamahal. At sa muling paghingi ni de Gracia ng isa pang pagkakataon, pipiliin...