Joyce's POVGooodmorniiiiing!!!!!!
Another day has come again. Ang bilis ng araw.
Naligo na ako at nagprepare para pumasok. Kumain ng breakfast kasama sila daddy.
Pagkatapos sumakay na ako sa kotse ko. Sakto lang ang dating ko sa school. Mag-uumpisa pa lang ang flag ceremony. Kaya pumila na ako.
After nun ay nagsipasukan na kami sa classroom. Wala namang masyadong ginawa sa buong umaga. Daily routine lang ang nangyari. Bored na nga ako ee.
Tanghali. Free time namin. Naalala ko yung sabi ni kuya kagabi. Think I should do that.
Tutal wala naman akong magawa since busy ang mga bruha sa kung ano man ang ginagawa nila.
Pumunta ako sa room nila. Hindi na ako magtataka kung bakit napatigil ang mga estudyante at may pagtataka sa mga mukha nila. Pano ba naman, minsan lang may mapadpad na taga first section dito sa room ng mga last section.
Kaya nga pati ako nagtataka kung bakit nagustuhan dito nung Marvin na yun ee. Not that I want him to be my classmate. Nagtataka lang ako.
So eto, papasok na ako sa room nila. Grabe lang parang hindi room yun. More likely bodega. So ginawa ko na ang dapat gawin.
"Can I excuse Mr. Marvin de Gracia? I have something to tell him."
Tapos lumabas na ako. Alam ko ding nakasunod na siya sa akin.
I know it's rude. I didn't give him a choice or a chance to speak. Hahaha.
"Hoy miss san tayo pupunta huh?" Sabi niya sa akin na sumasabay sa paglalakad ko.
"Sumunod ka na lang."
Dumiretso na kami sa Parking lot.
"Sakay." Malamig kong sabi.
"Fine!" Sigaw niya.
"Hindi mo kailangan sumigaw."
Pinaandar ko na agad yung sasakyan. Pumunta kami sa favorite resto ko.
"Hey miss. Gusto mo lang pala akong idate ee. Mahirap talaga maging gwapo."
"Don't be so full of yourself. I came here on purpose."
"So what's your purpose of bringing me here?"
"Order muna tayo. Waiter! "
Tahimik lang kami habang hinihintay ang order namin. Awkward!
"Sorry" basag ko sa katahimikan naming dalawa.
"Para saan? Tanong niya sa akin na titig na titig deretso sa mga mata ko, halatang nagulat sa sinabi ko.
"Ako yung nantrip sa'yo sa phone. Gusto ko lang kasing gumanti sa ginawa mong pambibintang sa akin. That's-" pinutol niya ang pagsasalita ko sa tawa niya.
"Hahaha. Natakot ka siguro sa banta ko sayo no? " Sabi niyang may nagkakalokong ngiti sa labi.
"You're rude Mr. de Gracia. Hindi ako natatakot sayo. Alam ko lang na mali ang ginawa ko that's why nag-aapologize ako sayo."
"I'm sorry too. I know it was rude. Malay ko ba kasing may kapangalan ka."
"Yeah I know. Can we be friends then?" Sabi ko sa kanya habang nilalapag ng waiter yung order namin.
"Yeah. Sure."
"Let's eat then."
Tahimik lang kaming kumain. Lihim akong napapasulyap sa kanya. Gwapo naman pala ang mokong. Bagay sa kanya ang kayumanggi niyang kulay. Deep set na mata. Matangos na ilong. Clean cut hair na parang ang sarap padaanan ng daliri.
Natigil ang pag-aaral ko sa mukha niya nang bigla siyang magsalita.
"Akala ko ba kakain tayo?"
"Oo nga."
"You're not eating your food. And please stop staring. You're drooling." Sabay smirk niya pa.
Feeling ko lahat ng dugo ko ee umakyat sa mukha ko. For sure pulang pula na ako. Medyo pahiya ako dun aa. Bawal na nga palang pagnasaan ito, may girlfriend na nga pala siya ee.
"I'm not staring. I'm just curious, you know. May girlfriend ka pala. Buti may pumatol sayo."
Medyo nagulat siya sa sinabi ko. Malamang nagtataka to kung bakit at pano ko nalaman na may girlfriend siya. Pero agad din namang nakabawi sa pagkabigla ang loko.
"Siyempre sa gwapo kong to. Walang girlfriend? Bakit dissapointed ka? Hahaha."
Lakas ng hangin netong taong to. Tss. Yabang.
"Uso ang pagiging humble, you know." Sabi ko habang nakatingin sa pagkain.
"Humble kaya ako"
"Wow! Humble ka pala?" Insert sarcastic tone here.
Aba at ngumiti lang ang loko, and I must admit lalo siyang gumwapo. Pero siyempre di ko sasabihin sa kanya yun.
Oh wait, ano ba tong mga sinasabi ko? Nagkakasala ako kay Chan ko.
"Wuii natulala ka na dyan? Wag kang mag-alala mahal ka nun" pukaw niya sa lumilipad kong isip.
"Well I hope so" sabi ko sa ko na lang sa kanya.
"So may boyfriend ka nga? Pero bakit 'I hope so' ang sagot mo? Dapat sure ka."
"Wala akong boyfriend no."
"Sa ganda mong yan wala kang boyfriend? O baka naman ako ang hinihintay mo? Hahaha"
Wow. Sinabi niya ba talagang maganda ako? Well alam ko naman yun, madami ang nagsasabi. Pero bakit ganun, iba ang dating nung siya ang nagsabi? Saka wait lang aa, nakikipagflirt ba sa akin to?
"Are you flirting with me?" Sabi ko sa kanya ng nakakunot ang noo.
"What do you think? Hahahahaha"
"Ghad... tara na nga. Baka mamaya mahipan ka pa ng masamang hangin."
Marvin's POV
May pagka amazona pala ang babaeng to. Hilain daw ba ako at itulak sa loob ng kotse niya? Haha
Naasar siguro kanina. Sarap asarin ee. pikon kasi.
Di ko nga inaasahan na makikipagbati siya akin or worst ang makipagkaibigan pa. It's unbelievable, you know? After what I did to her? ibang klase talaga siya.
At habang tinitignan ko siya ngayon habang nagdadrive, napapatulala na lang ako sa kanya. napansin niya yatang tinititigan ko din siya kaya naman nagsalita na naman siya.
"Wag mo ko masyadong titigan at baka malusaw ako ng wala sa oras, tsss.." tsaka siya ngumiti. Maganda siya. Di maipagkakaila yun.
____________________________________★★★★★★★★★★★★★★★★
A/N: SORRY sa matagal kong pagkawala.. nawala kasi ang tab ko kung saan ko sinusulat tong story ko, at kinailangan ko pang alalahanin yung account ko.. peace (^^,)V
BINABASA MO ANG
Always You
General FictionMaria Angelica Joyce del Fierro, babaeng ilang beses ng nagmahal at nasaktan sa isang lalaki. Hindi makawala sa kanyang nakaraan. Ilang beses ng nasaktan pero palaging nagmamahal. At sa muling paghingi ni de Gracia ng isa pang pagkakataon, pipiliin...