After nung nangyari kahapon, akala ko dahil nakipagfriend na ako kay Marvin, mababawasan na ang sakit ng ulo ko. Hindi pa pala. Pano ba naman pagdating namin sa school kahapon after namin kumain...
FLASHBACK
"Wag mo ko masyadong titigan at baka malusaw ako ng wala sa oras, tsss.." sabi ko sa kanya kasi wagas lang makatitig.
At ang sira ulo, tumawa lang.
Hanggang di kami nakarating ng school, hindi niya ako tinatantanan sa pangungulit niya. Konti na lang talaga, masusupalpal ko na ee.
"Lipat kaya ako ng section niyo 'no crush? Bigla niyang sabi dahilan kung bakit ako napasigaw.
"What?! Are you freakin' crazy and what the hell did you just call me? Crush? Want me to crush your face?" Sabi ko na feeling ko umuusok ang ilong at bumbunan sa inis.
"Haha you should've seen your face! Its priceless! Haha" sabay gaya sa itsura ko tapos takbo palayo saken..
Aba't loko to aa.. arrgggh! Asar!
**end of flashback**
Kaya naman nakasimangot pa din ako.
Then biglang lumapit si Chan sa akin. Siyempre ngiti ako agad.
"Hi Joyce! Kanina pa kita tinitignan, parang problemado ka. Nakasimangot ka kasi ee." Sabay ngiti sa akin.
Oh my gollywow! What did he say? Kanina niya pa ko tinitignan? Kinikilig ako!!! Waaaah!!!
Emeged... this is it!!! I can't believe this.
"Ah eh h-hindi naman. Wala namang problema. Okay lang ako. Hehe" sagot ko sa kanya. Sabay ngiti na din.
"Are you sure? Come on, you can share them to me. Magkaibigan naman tayo di ba?" Sabi niya pa.
"Yeah. Don't worry kapag meron, magshe-share ako sa'yo." gahd, kinikilig po talaga ako..
Tapos nagsmile lang siya sa akin. Nanatili lang kaming ganun, tahimik. Pero masaya na ako kahit ganto lang.
Atleast kasama ko siya.
Lumipas ang mga minuto, nang biglang...
"Hoy Joyce! Kanina ka pa namin hinahanap! Saan ka ba nagpunta? Sabi ni Jency na nakataas pa ang kilay.
Panira talaga ng moment tong mga to -_-. Nakakahiya kay Chan. Kaya nag-excuse muna ako sa kanya para kausapin tong mga bestfriends ko.
Hinila ko sila sa mga benches doon.
Tinaasan ko muna siya ng kilay bago ko siya sinagot.
"Well, nakipagbati ako sa talipandas na si Marvin. Hinila ko siya sa restaurant. Then ayun, bati na kami. Tapos magkasama kami ng crush ko, at obviously naistorbo niyo ang moment namin." Pagsusungit ko sa kanila.
Ngumiti lang sila, yung ngiting nakakaloko.
"So totoo nga yung narinig namin na ang famous girl na si Maria Angelica Joyce del Fierro ay nagsorry sa taga lower section at isang transferee? Sabi ni Pamela.
"Wait.. saan niyo narinig yan?" Kunot-noong tanong ko sa kanila. Though may hinala na ako, pero gusto ko lang iconfirm.
"Edi sa kanilang magbabarkada. Nagtatawanan nga sila kanina ee." Sabi ni Zhen sa akin.
"That b@stard! Ugh! Kung hindi lang talaga ako nakonsensya at kung hindi dahil kay Kuya, di ako hihingi ng sorry sa kanya! Na in the first place ay siya dapat ang gumawa. The nerve of that man!" Naiinis kong sabi.
"Oh, kalma ka lang. Yung puso mo." Haha pang-aasar pa nila. Yung totoo, kaibigan ko ba talaga tong mga to?
"Tss.. ang ingay mo. Nakakabingi ka" sabi ng isang boses sa likuran ko.
And speaking of the devil.
Nanlaki ang mga mata ko dahil siya ang nagsalita sa likod ko. Agad namang kumulo ang dugo ko nang maalala ko ang ginawa niyang pagtatawa sa akin."Wala kang pakialam kung maingay ako! Tsaka bakit ka ba nandito kung naiingayan ka pala? Utak gamitin pwede?" Sabi ko sa kanya.
"Oh bakit ang sungit mo na ngayon sa akin crush? Di ba sabi mo friends na tayo? Sabay ngiti niya ng nakakaloko.
"What the .. di ba sabi ko, wag mo akong tawaging crush?! Binabawi ko na yung sorry tsaka pakikipagfriends ko sayo!
"Ah ah ah. Walang bawian. And I will call you crush hanggang gusto ko."
"Wait.. aah guys nandito pa kami" sabi ni Eisheene sa amin.
Ugh oo nga pala. Sh*t di dapat nila narinig yun dahil panigurado akong aasarin na naman nila ako -_- . Poor me.
"Tara na. Umalis na tayo dito." Pagyayaya ko sa kanila para makaiwas sa nakakairitang tao.
"Not unless you explain everything to us." Sabi ni Justine.
"Okay, i'll tell you what happened, but not here okay?
Um-oo naman sila kaya iniwan na namin ang nakakalokong si Marvin.
BINABASA MO ANG
Always You
General FictionMaria Angelica Joyce del Fierro, babaeng ilang beses ng nagmahal at nasaktan sa isang lalaki. Hindi makawala sa kanyang nakaraan. Ilang beses ng nasaktan pero palaging nagmamahal. At sa muling paghingi ni de Gracia ng isa pang pagkakataon, pipiliin...