Napabawi ako ng tingin kasi feeling ko ang weird ee. Parang may iba. Owww wait... Ba't ang bilis ng tibok ng puso ko? Yung parang nafi-feel ko kapag nakikita ko si Chan... haayyy I need to focus..
Sinusubukan kong mag-focus sa pakikinig sa speaker namin pero ang hirap lalo na't feeling ko may nakatingin sa akin. Tumingin ako ulit sa direksyon nila Marvin at AGAIN nahuli ko siyang nakatingin sa akin wearing his nakakalokong ngiti.. haayyy... titigan pala amg labanan aa. Kung kanina, napabawi ako ng tingin, ngayon makikipagtitigan na ako. Aba! Marunong din akong lumaban no. And i'll make sure na siya naman ang magbabawi ng tingin.. bwahahahaha!!!(insert evil smile).
Pero nagkamali ata ako ng akala dahil ang loko nag-smirk pa at kakikitaan ng pagkawili ang kanyang mukha habang nakikipagtitigan sa akin.
Dahil sa pakikipagtitigan ko sa kanya ay di ko namalayang tapos nang magsalita ang last speaker namin.
Natapos ang oath taking namin pagkatapos namin magbow at magthank you sa lahat ng studyante.
Bumaba na kami sa stage. Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob ko para lapitan si Marvin na nakatayo pa rin sa kinatatayuan niya kanina.
"So bakit wagas kang makipagtitigan kanina? Problema mo?" Nanghahamong tanong ko sa kanya.
Nag-smirk lang ang loko. Ewan ko pero I find it sexy. Wait... what?! No, erase that.
"You looked tensed baby, bakit ba ang sungit mo sa akin? Akala ko ba friends na tayo? And as for your question, nothing di ko lang mapigilan tumitig sayo." Sabay kindat sa akin.
I become uneasy, para akong kinilabutan sa mga sinabi niya. Na-speechless ako. Parang kinikiliti yung tiyan ko. Napapansin kong madalas ko tong nararamdaman kapag nakikita ko siya or nakaka-usap.
Familiar yung feeling eh, parang nung nagiging crush ko na si Christian. Wait- no. Naguguluhan lang ako, hindi naman ako kinikilig eh. Kaya wala lang to, malakas lang siguro talaga ang tama niya. Hay! Bahala na nga.
Napabalik ako sa kasalukuyan dahil sa pagsnap ng daliri niya sa mukha ko, di ko namalayang nakapag-around the world na ko sa isip ko habang nakatingin sa kanya.
"Earth to Joyce! Hahaha. Baby natulala ka na sa akin. Gwapo ko talaga no?" Sabi niyang nakangiti.
For a moment, natigilan na naman ako. Gwapo naman talaga siya eh. Kaso mayabang. Hindi ko siya papayagang makapagyabang sa akin kaya naman ibinalik ko ang composure ko.
"Iniisip ko kasi kaya siguro ganyan ang figure mo kasi puno ka ng hangin sa katawan. Alam ko namang maganda ako kaya wagas kang makatitig sa akin." This time ako naman ang nag-smirk sa kanya.
Tipid na lang siyang napatawa sa tinuran ko at umiling-iling pa. Magsasalita pa sana siya nang tawagin ako ng mga kaibigan ko. Inirapan ko na lang ulit siya tsaka ako umalis papunta sa mga kaibigan ko.
*****
Mabilis na lumipas ang mga araw. It's Saturday today and I'm a little bored so I decided to call my friends here for movie marathon.
But unfortunately, they're not available today. Malamang lamang laman na naman sila ng mall or spa. Haay, tinatamad kasi akong lumabas. Hindi ko din naman mayaya sila kuya kasi may game daw sila ng bago niyang tropa. Hmm ewan ko lang kung sino na naman. I heard taga kabilang village lang, at dahil sa basketball kaya sila nagkakilala. Well, mahilig kaming magkakapatid sa basketball, and yes marunong ako maglaro. Influenced by my handsome brothers.
Hindi na nga lang nila ako madalas sinasama sa mga games nila kasi daw 'dalaga' na ako. Tss dami nilang alam. Dapat daw nasa mall na lang ako, nagshashopping. Haay..
BINABASA MO ANG
Always You
General FictionMaria Angelica Joyce del Fierro, babaeng ilang beses ng nagmahal at nasaktan sa isang lalaki. Hindi makawala sa kanyang nakaraan. Ilang beses ng nasaktan pero palaging nagmamahal. At sa muling paghingi ni de Gracia ng isa pang pagkakataon, pipiliin...