Doubt

6.6K 180 4
                                    

'' sino ka ba ? ''

Mga katagang paulit-ulit sa utak ni Drake .. nakatingin parin siya sa kasintahan tila ba gusto niya itong alugin ng matauhan! Nakatingin lang din ito sa kanya hindi nababakasan ng anong mang emosyon para bang lahat ng dugo niya ay na punta sa talampakan

Maging ang mga kaibigan nito ay nakatulala lang maliban kay Miguel na seryoso lang nakatingin sa dalaga pero mababakas ang saya nito sa mga mata .. ilang sandali pa ay

'' pffft .. hahahahahaha ''  isang tawa ang nangingibabaw sa loob ng silid at iyon ay walang iba kundi si Zab ..

'' hahaha grabe San na punta dugo mo Van? Hahaha --aray ''  

'' tsk Sige NaNa tawa pa ! =.= ''   wika ni Miguel habang napapahagikgik napaismid naman ang dalaga

'' waaaahhhh omyg!!! You're buhay na ! I'm so kinabahan zabby! Waaahhh >____< ''   sabi ni Mavy bago bahagyang niyakap si Zab

'' it's not a good joke Zab ! Haiiist ''   naiinis na wika ni kai pero na pangisi narin nang huli

'' I forgot to captured the scene when Zabina laugh! Once in a asul na buwan lang iyon! '' panghihinayang saad ni mavz

'' ok lang yun baby ! Ang cute mo talaga mag pout ''  paglalambing ni Rence kay Mavy. Si Arkin naman ay tinanguan lang si Zab at naupo nang muli sa sofa na naroon. Kunot nuo naman tumingin si Zab kay Drake na hanggang ngayon ay tulala parin

'' galaw galaw baka ma-stroke ''   saad niya at tinapik ang nobyo sa braso, tila nuon lang ito nahimasmasahan ilang beses ito kumurap at tumingin sa kanya

'' kilala mo na ako ? Wala ka talagang amnesia ? '' tango at iling lang ang isinagot niya seryoso kasi ito. Mukhang hindi ata naging maganda ang pagbibiro niya .. ilang sandali pa ay naramdaman nalang nyang nasa bisig siya nito nanduon ang ingat at pagmamahal, napangiti siya sa gesture nito

'' tsk don't do that again ok ? '' nagsusumamong tanong nito sa kanya, tango lang ulit ang isinagot niya . Namiss nya ang pakiramdam na nasa bisig nito rinig niya ang bilis nang tibok ng puso nito kay sarap pakinggan niyon. Tumabi ito sa kanya ng maayos at ingat na isinandal siya nito sa dibdib .. nakapaikot ang mga braso nito sa kanya .. at dinampian siya ng halik sa ulo .. isang ngiti ang sumilay mula sa labi niya..

Duon naman siya napatingin kay Miguel seryoso itong nakatingin sa kanya alam nyang may gusto ito malaman mula sa kanya pero hindi pa siya handa sa bagay na iyon, natatakot siya dahil deep inside may pagkakataon parin na naalala niya ang dating taong nagpapasaya sa kanya.

Bumukas naman ang pinto na kinaroroonan nila at mula roon ay iniluwa ang babaeng kanyang iniligtas kasama nito si Rence, na gamot narin ang sugat nito. Ka agad itong tumakbo sa kanya at umiyak iniisip niya kung kailan ba mauubusan ito ng luha kulang ata ang isang drum para dito.

Assassin Princess (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon