Story: 03

0 1 0
                                    

𝐖𝐇𝐄𝐍 𝐙𝐎𝐌𝐁𝐈𝐄 𝐀𝐏𝐎𝐂𝐀𝐋𝐘𝐏𝐒𝐄 𝐂𝐀𝐌𝐄

"Anak siguraduhin mong naka lock lahat ng pinto!" Agad ko namang tinignan kung naka lock na at maayos na yung pinto.

"Ayos na po ma! Siguradong walang makakapasok na zombie dito!" Sigaw ko pabalik!

"Sige akyat lang ako sa taas at hindi ko pa tapos yung pinapanood kong K-drama!"

"Sige ma cellphone lang ako!"

Umupo ako sa couch at nag open sa account ko. Ni chat ko ang girlfriend kong mukha atang may topak.

'Uy babae asan ka?'

'Andito sa kuwarto at may naka pasok na zombie.'

'Mag tago ka jan. 'Wag kang lalabas.'

'Oo,saka kapag naman naging zombie ako hindi kita kakagatin. Iloveyou.'

'nyenye siguraguhin mo.'

'WAlA AKONG ILOVEYOUTOO?! PAPAKAIN AKO AT KAKAININ KITA BUSET NA LALAKI KA!'

Pinatay ko na ang data ko dahil tinopak nanaman ang girlfriend ko. Siguraduhin lang niyang hindi niya ako kakagatin.

Natulog na lang ako dahil sa puyat. Pagka gising ko ay may narinig akong ingay sa labas. Lumabas ako at doon ko nakita ang mga zombies na nag kalat. At isa doon ang girlfriend ko. Ni chat ko siya.

'Hoy diba sabi ko 'wag kang papakagat?!'

'Eh anong magagawa ko kinagat na ako?!'

Napag isipan kong lumabas at kausapin ang girlfriend ko.

'Oh bakit ka andito papakagat ka sa'kin?" Tanong niya.

"Hindi,gusto ko lang sabihin na 'wag kang kakagat ng ibang lalaki"

"Hmp ikaw nga ayaw magpa kagat! Tse doon ka sa kabet mo! Ayon oh zombie na rin!" Sabay turo niya sa babaeng tatalon-talon sa bubong.

Napa sabunot na lang ako sa buhok ko habang nag lalakad pabalik sa bahay. Hay hanggang sa zombie apocalypse ba naman topakin pa rin girlfriend ko?

-END-

:: Xeqéuz

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now