Story: 07

0 0 0
                                    

𝐓𝐔𝐑𝐍 𝐎𝐅𝐅 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐔𝐒
@𝐜𝐫𝐢𝐛𝐨𝐥𝐨𝐲

"Potek! Bakit ayaw niyo tumigil sa kakachat?!" Hindi ko na alam kung ano at alin ang pipindutin ko dito sa keyboard. Namamawis na rin 'yong kamay ko dahil kanina pa ako ako nagt-type.

''Kainis buti sana kung may bayad 'to e!'' Sa inis ko ay kumatok ako sa pinto ni ate .

"Ate! Ate! Buksan mo 'to!" Nakailang tawag ako bago niya binuksan 'yong pinto.

"Oh kay aga-aga nangbubulabog ka!" Inirapan pa ako. Aba dukutin ko kaya mata nito?

" 'Wag ka maginarte ate hindi ka maganda." Feeling ko sasabog na'to.

"Joke lang hehe. Tanong ko lang kung paano hindi ma s-seen o makikita kang active sa messenger, kahit active ka naman."

"Aba! May pinag tataguan ka no? Marami ka sigurong chicks diyan! Gago may girlfriend kana! Isusumbong kita!" Akmang may tatawagan siya ng kinuha ko cellphone niya.

"Ate hindi 'yon, ang advance mo! Tinatanong ko lang e. Promise wala akong ibang babae. Gusto mo ng ice cream?"

"Ice cream?! Talaga bibilhan mo'ko?!"

"Oo nga basta sabihin mo kung paano." Kinuha niya 'yong cellphone ko at may kinalutkot doon.

"O ayan basta yung ice cream ko!" Itinuro niya din sa akin kung paano gawin. Hindi ko na siya pinansin at bumalik na sa kuwarto.

"Yes!" Napa sigaw ako nanv makita kong tumigil na sila sa kaka-chat.

Nag log in ako sa rp account ko .
Kaya lang bigla nanaman akong nainis kaya bigla bigla ko ni off yung active status ko.

Maya-maya nag chat girlfriend ko gamit rp account niya.

"Babe bakit hindi na nag chat?"

"Ah babe may inasikaso lang hehe."  Reply ko sakaniya.

"Ayos lang, kumain ka na? " Hindi agad ako nakapag reply kase nag delete ako ng mga messages na nag papa init ng ulo ko.

"Babe may ka chat kang iba no?!"

"Bakit ang bagal mo mag reply?"

"Bakit naka turn off chat ka?"

"Akala mo maloloko mo'ko no?"

Hinayaan ko nalang no'ng ni blocked niya ako u-unblock niya din ako mamaya. Marupok yon e .

Kaya lang naman ako naka turn off active status kase ginugulo na ako ng mga inutangan ko. Sabay sabay na sila naniningil. Hindi ba nila alam na quarantine? Dapat wala munang singil singil -,-

Ang dami nilang sinasabi. Kaya sa inis ko lumipat ako sa rp account ko kaya lang potek andon din sila! Alam nila account ko! Hindi pa rin sila tumigil kaka singil!

'Dre yung 1k ko asan na?'

'Marvin yung utang mo palang 200?'

'Brad yung 500 ko?'

'Ay Vin yung 350 ko pala sa iyo?'

'Asan na yung utang mong 550?'

Hindi naman kase lahat ng naka turn off chat may gino-ghost o kaya tumatakas sa mga ka-chat. O kaya ayaw mag reply sa dami nang nag c-chat.

Kase ako may pinagtataguan lang. Tumatakas ako sa mga inutangan ko. May allergy ako sa paniningil!

—End—

:: Xeqéuz Zevoir

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now