CHAPTER 41

3 0 0
                                    

CHAPTER 41 BALL

MARGA'S POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa muka ko.

Kay'a naman napamulat na ang mga mata ko at napalingon sa kabila, at tulog pa naman si Tristan.

Kinuha ko ang cellphone ko sa lamesa at umayos da pagkakaupo.

Nakatanggap ako ng message kay mama.

At may pa good luck ito!
Thanks ma

Nakatanggap rin naman ako ng message sa group chat namin.

At dapat daw lahat kami ten palang nasa cafeteria na, dahil dun daw kami magkikita kita para Sabay sabay na rin kami na makapunta sa salon.

Hay, ngayun na ang ball, ang pinaka hinihintay ng lahat...ang hinihintay ko.

Makasayaw ang taong Mahal ko, at makasama ang mga kaibigan ko.

Pakiramdam na kumpleto.

Dapat ng masulit ang araw na ito, huling araw...huling araw na magkakasama kaming lahat

Huling araw sa University, at natapos na ang huling gabing kasama ko siya matulog sa dorm namin.

Napakabilis, parang kahapon lang kaaway ko pa si Tristan.

Pero ngayun? Yung Margarette...siya ang nag mamay ari sa kaniya.

Ang anak ng may ari ng University, ang kinababaliwan ng karamihan.

Napasandal naman ako sa pader at napangiti Sabay lingon ulit sa kaniya.

Next school year, busy na ulit...babalik nanaman sa realidad... puro school works at puro artworks...siguro pag dating ng araw na iyon Minsan nalang kami makukumpleto.

Tumayo naman ako sa pagkakaupo ko at lumapit kay Tristan, at doon naupo sa kama niya.

Tinitigan kong mabuti ang muka niya at napangiti.

Ang gwapo mo pag tulog, pag tulog lang talaga?

"Love....." Gumalaw naman siya ng kaunti at minulat ang mata niya, at napatitig ito sa akin.

Napakunot ang noo niya at agad na bumangon kay'a napa atras ako sa bigla niyang pag upo.

"Oh bakit?"

"What did you just said?"

"Ha?"

"Just repeat it"

"Oh bakit? That what I said"

"No before that"

"Love?" Hinila niya naman ako para yakapin.

Oo ngayun ko lang siya tinawag nun, at lagi lang name niya kung tawagin ko siya.

"You don't know how happy i am right now" nakangiti niyang sinabi sa akin.

Hayaan mo, mamaya ipapakilala na Kita sa parents ko.

Hinila niya naman ulit ako at binigyan ng mahigpit na yakap.

"Tumayo ka na diyan para maka punta na tayo ng cafeteria, anong oras na..."

Kailangan pa naming mag lunch sa cafeteria bago kami pumunta sa salon.

Sakto Hindi kami nakapag breakfast dahil nga late na kami pareho nagising.

Tumango naman siya habang nakangiti.

DORM 98 [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon