"Oh kain na kayo, masarap yan" sabi ni mama, nung nakaupo na siya, nasa harap sila ni Tito Enrique magkatabi, at katabi ko naman tong kapatid ko daw.
"Masarap talagang magluto ang asawa ko" sabi naman ni Tito Enrique with matching lambing pa kay mama. Like ahem! Hindi pa sila kasal!
Napatingin naman ako sa katabi ko, na inom lang ng inom ng wine niya,may araw pa ,wine agad. Ginalaw ko na ang pagkain ko sa nagugutom na din ako.
Habang kumakain, ako nakakarami na ng kanin, pero si Enrique na iyun parang hindi naman atah nauubos ang pagkain niya sa plato, pero kumakain siya. Ito namang si Icereal, hindi manlang ginagalaw ang pagkain, ang weird. Pero si mama, nakangiti lang habang kumakain.
"Oii.. anong balak mo sa pagkain mo?"pabulong ko na tanong sa kanya, tumingin naman siya sakin, pero napa *gulp* ako kasi ewan ba, may nakakatakot sa mga paningin niya.
"Wala kang pakealam" malamig niyang sabi
"Anak? Nga pala balak naming ni Tito Enrique mo na, lumipat tayo sa ibang lugar malayo dito" sabi bigla ni mama, napataas bigla ang isang kilay ko. Iiwan naming ang bahay natoh?
"Pero bakit pa?" tanong ko kaagad
"Anak, marami ng namamatay dito lalo na sa school niyo, kaya mas mabuti pang lumayo tayo papunta sa mas ligtas" sabi ni mama, sa pagkakaalam ko, walang ligtas na lugar sa mundong ito.
"Atsaka, hindi naman agad agad.May aayusin pa kami, at hihintayin naming muna na makagraduate ka sa school. At habang may inaayos pa, napagdesisyunan namin na dito lang muna sila titira satin" sabi ni mama, napabuntong hininga ako, ayokong makasama ang dalawang toh noh! Pero wala akong magagawa kaya tumango nalang ako.
Pagkatapos naming kumain at magpahinga ay inutusan ako ni mama, na ilibot itong si Yelo, sa bahay namin.At sinundan ko lang naman.
"Ito ang garden namin, tambayan ko toh tuwing gabi, lalo na pag hindi ako makatulog" sabi ko sa kanya, nung napaunta kami ditto sa labas ng bahay
"So? Hindi ko naman tinatanong" mataray niyang sabi
"Sinasabi ko lang naman" inis kong sabi, at sinundan ko lang siya habang linilibot ang hardin namin. Na puno ng mga ibat ibang kulay ng mga rosas.
Pagkatapos ng paglilibot dumiretcho naman kami agad sa loob at sa taas, para maipakita ko na sa kanya ang magiging kwarto niya.
"Ito ang magiging kwarto mo" sabi ko nung nakarating na kami, pumasok siya, at linibot ang tingin sa kwarto
"Oh, maiwan na kita, kung may kailangan ka, tawagan mo nalang si mama" sabi ko sa kanya at iniwan ko na siya sa kwarto
"Anak? Wag kang umalis ng bahay ngayong araw" sabi ni mama bigla pagkarating ko sa sala, napabuntong hininga ako
BINABASA MO ANG
Oh my Vampire
VampireOLD STORY photos I used for my book covers are not mine. Credits to the rightful owners.