"Ice!!" sigaw ko at linibot ko ang tingin ko sa paligid dito sa park, kasi naman ilang oras na akong naghihintay sa kotse hindi parin siya bumabalik,hanggang ngayon, gabi na, san kaya siya tumakbo?
"Ice!!" sigaw ko, hindi ko pa naman alam paano gamitin yung kotse, tapos, hindi ko alam kung bakit hinahanap ko pa siya! Eh nnakakapagod lang! pwede namang umuwi nalang ako agad
Pero bakit parang ibang sinasabi ng puso ko? Napatingin ako bigla sa bracelet tatlong hearts na ang kulay pula
"Ice!! Icereal!" sigaw ko kasi nakita ko siya nakaupo sa isang bench, napataas ang isang kilay ko, nasa pinakadulo na siya yung tipong hindi na pupuntahan ng tao kasi masyadong madilim at tahimik dun
"Ice" napatingin siya sakin nung nakalapit na ako, kulay asul na ang mata niya ulit
"Halika na umuwi na tayo"sabi ko at inabot sa kanya ang kamay ko
"Oy! Ice!" sigaw ko at binatukan siya
"aray! Ano ba!" sigaw niya
"Eh kasi naman gabing gabi na! uwi na tayo!" sigaw ko
"Mauna ka na.." malamig niyang sabi
"Ganun? Pagkatapos mokong iwan?" inis kong sabi
"Nangaakit ka kasi" tumaas ang isang kilay ko, anong ibig niang sabihin?napabuntong hininga ako at umupo sa tabi niya
"Tignan mo yung langit Ice..." sabi ko sa kanya at tinuro ang langit
"Ang dami nila"
kasi naman, sabay naming sinabi yun
"Al..alam mo ba nung bata pa kami?lagi naming binibilang yung mga bituin..." sabi ko
"Hanggang sa maubos" sabi niya bigla napatingin ako sa kanya habang nakatingin siya sa langit
Parang yun yung linya ni Ezekiel nung mga bata pa kami, napaiwas agad ako ng tingin, hinawakan niya ang kamay ko bigla
"Valen... ikaw nalang ang pag asa ko" sabi niya na ikinagulat ko at ikinataas ulit ng isang kilay ko
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko
"Pwede pa akong maging tao ulit... gamit yang bracelet na binigay ko, pagmaging kulay pula lahat yan... may pagasang maging tao ulit ako" sabi niya, na hindi ko alam kung bakit ikinabilis ng tibok ng puso ko
"Binigay sakin yan ni Dad,hindi ko naman talaga siya tatay, patay na ang tunay kong mga magulang dahil sa mga bampira, isang guard lang nun si dad, at ako lang yung naligtas niya. Sa akin naman ipinagkatiwala lahat ng yamang naiwan nila mama. Hindi bampira si dad, pero marami siyang alam tungkol sa bampira..."
BINABASA MO ANG
Oh my Vampire
VampireOLD STORY photos I used for my book covers are not mine. Credits to the rightful owners.