Valen:
Tumakbo ako ng tumakbo, nagsimula namang magkagulo ang lahat ng mga estyudyante...
Pagkalabas ko ng campus, ay may biglang humila sakin
"Ice.." at yinakap ko siya
Hindi ko alam, dapat hindi ako tumakbo palayo kay Ezekiel, dapat hindi ko siya tinawag na halimaw! Kasi ganyan naman ang ginagawa ng mga bampira diba?
"Taha na..Valen..ayokong nakikita kang umiiyak" rinig kong sabi ni Ice, at naramdaman ko ang pagyakap niya sakin pabalik
Nakaramdam bigla ako ng takot, dahil siguro, una kong Makita ko yun, napapiki ako sa takot
"Taha na... gusto mo ng cotton candy?"
Umiwas ako sa yakap, at bigla naman niyang pinunasan ang luha ko gamit ang mga kamay niya
"Cotton candy?" sabi naman niya
"Taha na.."
Ngumiti ako ng pilit, naalala ko din na isang bampira din pala tong lalaking toh, sumakay kami sa kotse niya, nauna akong pumasok at sumunod siya
"Sa park gusto mo?" tanong niya, tumango ako
Kaya nagdrive na siya papunta sa park, pagkarating namin sa park, ay agad siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto
"Ayun oh! Cotton candy!" sigaw niya sakin at hinawakan ang kamay ko tapos hinila papunta doon,
"Anong kulay ang gusto mo?" tanong niya sakin nung nakalapit na kami, may yellow, pink, white, at blue kasi pero alam ko namang pare parehas lang naman ang lasa nila
"Hmmm..yung pink" sagot ko, ngumiti siya sakin, tapos bumili siya at inabot sakin nung tinder yung cotton candy sakin, nasa stick lang naman, bumili din siya, yung sa kanya blue
"Upo tayo sa puno ng kaibigan mo?" sabi niya, tumango ako at lumakad kami ng sabay papunta sa punong iyun
Nung makarating kami, sabay din kaming umupo, magkatabi...
Medyo gumaan din ang pakiramdam ko nung nakakain ako ng cotton candy..
"Ayan ngumingiti ka na"
Bigla niyang sabi di ko napansin, nakangiti na pala ako
"Salamat Ice" sabi ko, at sumandal ako sa balikat niya
Hindi ko maintindihan
Dapat mas matakot ako kay Ice kasi siya yung muntik na akong saktan, Si Ezekiel? Hindi naman niya ako sinasaktan, kahit ano, wala siyang ginawa sakin...
Bat ako umasta ng ganun? Tinawag ko pa siyang halimaw, Na dapat naman hindi kasi, alam naman nating lahat na dugo ng tao ang gusto nila.
"Wag kang masyadong mag isip Valen.. tatanda ka kaagad"
Bigla niyang sabi, napabuntong hininga ako
"Alam mo, sa gabi palagi kong napapanaginipan yung batang babae, binibigyan ko siya ng cotton candy pagmalungkot, tapos ngingiti na siya, kaya naisip kong bigyan kita" rinig kong sabi niya
BINABASA MO ANG
Oh my Vampire
VampireOLD STORY photos I used for my book covers are not mine. Credits to the rightful owners.