I LIKE YOU

6.3K 209 0
                                    

"Ice!!" napadilat ako sa may sumigaw at nung naramdaman kong wala na ang kamay niya sa kamay ko, at nakita ko nalang siya na nasa sahig,nakahiga at nakita ko naman si Tito Enrique

"Ayos ka lang ba?" tanong niya sakin, hindi ako makapagsalita, may pumasok naman bigla sa kwarto ko

"Anak.." si mama at yinakap niya ako, isang mahigpit na yakap

"Mama..anong klase siyang?" tanong ko na halos di nga ako makapagsalita humiwalay si mama sa yakap

"Dalhin mo muna siya sa labas" sabi ni tito, at hinawakan ni mama ang kamay ko at hinila ako palabas

...

"Ano ma?!" pasigaw kong tanong kay mama at napatayo ako sa sofa

"Anak..huminahon ka" sabi ni mama sakin

"Mama, alam mo na pala na iba siya satin!" sigaw ko, habang tumutulo pa rin ang luha ko sa mata dahil sa kaba, sa takot sa halo halong emosyon na hindi ko maintindihan

"Anak, mabait siyang bata, hindi ko lang alam kung bakit nagkaganto, kaya naman niyang kontrolin ang sarili niya...siguro dahil yun sa—" hindi ko na pintapos si mama, sobrang marami na ang nasa isipan ko

"Akyat na ho ako" sabi ko at dahan dahang lumakad napatingin ako sa kamay ko, ginamot na ito.Pagkaakyat ko ay di ko naiwasang mapatingin sa silid ni Ice, napapikit ako, parang hindi totoo, parang isa lang toh sa mga masasamang panaginip ko, at tumuloy na ako sa silid ko

....Kinabukasan...

Nauna akong nagising, pagkalabas ko ng kwarto ko ay sobrang tahimik

"Ayos ka na ba?" halos mapatalon ako nung marinig ko ang boses na iyun bigla sa likuran ko

"Sorry" rinig kong sabi niya, huminga ako ng malalim

"Layuan mo ako" malamig kong sabi at dahan dahan na bumaba, nung malapit na ako sa sala, halos mapatalon ulit ako nung napunta siya sa tabi ko

"Natakot ka?" tanong niya, huminga ako ng malalim ulit

"Lumayo ka sakin!" sigaw ko

"Anak? Icereal?" napatingin kami parehas kay mama na pababa sa hagdan

"Mama! Ipalabas niyo siya! Di ko siya kayang makasama!" sigaw ko sabay tinuro si Ice gamit ang index finger ko

"Anak, masasanay ka ding kasama siya" napalingon ulit ako kay mama na nakangiti sakin pati kay tito na nasa taas na nakangiti rin, napatingin ako kayIce na seryosong nakatingin sakin

"Mga baliw!" sigaw ko at tumakbo palabas ng bahay, tumakbo ako ng tumakbo, para akong nababaliw

May kasama akong

Bampira sa

Bahay!

Nagising ako sa pagtunog ng bell dito sa school namin, kulang kasi ako ng tulog kagabi, dahil sa kaiisip

"Oh? Valen? Ayos ka lang? kanina ka pa hindi nakikinig sa mga lessons, nakatulog ka lang" sabi ng isang kaklase ko, ngumiti lang ako ng pilit at napatingin sa tabi ko, si Ezekiel, di ko pa siya nakikita

"Si Ezekiel? Nakita niyo ba?" tanong ko,umiling sila, napabuntong hininga ako at kinuha ang bag ko at lumabas ng classroom

Habang naglalakad ako sa roadwalk, may humawak bigla sa kamay ko na may sugat, napahinto ako nnakaramdam kasi ako ng lamig sa kamay nay un

"Ezekiel" mahinang sabi ko at napalingon sa kanya

"Anong nangyari sa kamay mo?" tanong niya, pero hindi ko siya pinakinggan at hinablot ang kamay ko

"Wala toh Ezekiel, nga pala san ka galing?"sabi ko, ngumiti siya

"Sa tabi tabi lang" sabi niya, napatango ako at nagsimula kaming maglakad sabay

Napunta kami sa isang garden sa school at umupo magkatabi sa ilalim ng isang puno, at bumilis ulit ng tibok ang puso ko, malakas ang mga pintig nito

"Ezekiel...may..gusto sana akong itanong"mahina kong sabi

"what is it?" tanong niya, huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya na nakatingin na sakin

"Posible bang.. isa...ka—" naputol ko ang sasabihin ko nung haplusin niya ang pisngi ko, naramdaman ko ulit ang malamig niyang kamay

"Eze..kiel.."

"Kamukhang kamukha mo siya" mahinang sabi niya at ilinapit niya bigla ang mukha niya sa mukha ko 

"Ezekiel..sinong siya?" tanong ko, tapos lumayo siya bigla sakin

"Wala..just forget it" sabi niya, huminga ako ng malalim, at napahawak sa magkabilang pisngi ko, namumula na naman siguro ako, kasi naman ilapit ba naman niya ang gwapo niyang mukha,

"Your blushing again"sabi niya bigla tapos tumawa lang ako ng pilit

"Ha..ha..wag mo akong pansinin" sabi ko

"Ano nga pala yung itatanong mo?" sabi niya, huminga ako ng malalim, itatanong ko pa ba?

"Wa..wala..kalimutan mo nalang din yun" sabi ko, napatingin ako sa orasan ko, kailangan ko pa palang umuwi

"Mauna ako sayo Ezekiel" sabi ko, at tatayo n asana nung hawakan niya kamay ko

"I like you" sabi niya bigla

"An..ano?" sabi ko sabay tingin sa kanya, ngumiti siya

"Sabi ko, gusto kita" seryoso niyang sabi, ngumiti ako ng pilit at hinablot ang kamay ko

"ano ka ba naman Ezekiel! Alis na ako" sabi ko at tumayo na at lumakad palayo >///< ano bang ibig niyang sabihin? Ilang araw pa nga lang kaming magkakilala, gusto na niya agad ako

"Valen.."

"kyaaah!" napatili ako nung napunta siya sa tabi ko at sumabay sa paglakad

"Bat napunta ka kaagad sa tabi ko?" tanong ko

"Magic" sabi niya sabay tawa. Huminto siya, napahinto din ako at Hinawakan niya braso ko bigla,

"Ezekiel?"

"Valen"

Tumingin siya sa mata ko

"May problema ba?"tanong ko, nagulat ako nung bigla niyang isiksik ang mukha niya sa leeg ko, naramdaman ko ang hininga niya, medyo nakiliti ako

"Ezekiel ano ba!" sigaw ko at itinulak siya.

"Sorry" sabi niya at nawala nalang siya bigla sa harapan ko

.

your votes and comments are highly appreciated.


Oh my VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon