Who was i before?
I don't remember.
Nor do i want to
remember a time without you.Where was i before?
I don't remember
I just know
when i found you,
I had come home.-Alicia N. Green
Nagising na naman akong umiiyak. Basang basa ang unan ng dahil sa mga luhang nilabas ng mga mata ko.
Pinunasan ko ang luha ko habang nakatulala padin.Bakit lagi na lang siyang nasa panaginip ko.
Bakit lagi na lang sakit ang dulot nito tuwing araw ng kaarawan ko.
Bakit sa tuwing dapat masaya ako doon siya lalabas para saktan ako.Bakit hindi mo ipakita ang mukha mo?
Bakit kahit ang sakit, gusto parin kitang makita sa tuwing sasapit ang kaarawan ko?
Bakit?Napabalik ako sa reyalidad ng biglang hinawakan ni mama ang pisngi ko. Pinupunasan ang luhang hindi ko pa natatanggal sa mata ko. Napabuntong hininga ito bago nagsalita.
"Ayos ka lang Halia?" si mama, nagising na naman siya ng dahil sa akin.
"Opo ma. Dapat di na po kayo tumayo. Ayos lang po ako." sambit ko dito habang pinupunasan ko ang luha ko.
"Lagi ka na lang umiiyak tuwing kaarawan mo." nababahalang sabi ni mama.
"Baka ginigising lang ako ng katawan ko ma. Alam nya ata na birthday ko.Hahaha" biro ko dito upang mabawasan ang tensyon.
"Baka ganon nga." pagsang-ayon nito."Happy Birthday Halia namin."napangiti ako sa sinabi ni mama.
"Salamat po."ngiti kong sabi at humalik sa pisngi nito.
"Maaga pa. Matulog ka pa ulit."
"Okay na po ako ma. Lalabas na lang po ako." pagpapaalam ko dito.
Lumabas na ako upang magpahangin, ganito lagi ang set-up ko tuwing araw ng kaarawan ko. Maaga akong magigising dahil sa panaginip ko. Lalabas ako upang aliwin ang sarili at makalimutan ang panaginip na tuwing kaarawan ko lang dumadalaw sa akin. It looks like, binabati ako nito gamit ang masakit na panaginip na iyon.
Napabuntong hininga ako. Sinipa ko ang mga nakikita kong maliliit na bato sa daan papunta sa parke. Tuwing kaarawan ko dito ako agad pumupunta. Lalo na tuwing nagising ako dahil sa panaginip na yun.
"Happiest Birthday Liababe!" nagulat ako sa biglaang sigaw ni Lucy sa likod ko. Alam nya na agad na dito ako pupunta sa araw ng birthday ko.
"You think so?" nakangiwi kong tanong dito.
"Napanaginipan mo na naman ba ulit?" tanong nito sa akin. Tumango ako dito, napabuntong hininga ito sa sinabi ko.
"Hindi mo ba talaga nakikita yung mukha ng nasa panaginip mo?" pang sampong beses niya na yang tanong sa akin ngayong taon.
Kada taon magmula ng maging magkaibigan kami ten years ago ay yan na ang lagi nyang tanong sa tuwing sasabihin kong nagising ako dahil sa iyak. Taon-taon ko ding sasabihing. "Blurred ang mukha niya. I can only hear his voice. He seems very familiar, parang sobrang lapit ng koneksiyon ko sa kanya kaya siguro nasasaktan ako."
"Feeling ko talaga parte siya ng past life mo noon." napangiwi ako sa biglaang sambit nito.
"Really lucy? Naniniwala ka talaga sa Reincarnation?" tamad kong tanong dito.
"Well, kinda. Wala naman kasing mawawala diba?" kibit balikat nitong turan sa akin.
"Ewan. Kung reincarnation nga ito. Ayokong maulit ang nakaraan, parang ang sakit sakit eh." parang tinutusok ang puso ko habang sinasabi ko iyon.
"Oo nga. Yearly iyak mo dahil sa kanya eh. Kaya it's a No No." sang-ayon din nito sa akin.
BINABASA MO ANG
A Pain.t to Remember (SOON)
RomanceDo you believe in Reincarnation? Naniniwala ka ba na pwede mo ulit makita ang minahal mo noon? Naniniwala ka ba na maaari nyong ipagpatuloy ang pagmamahalan nyo noon? A Pain.t to Remember istoryang tatahak sa sakit ng nakaraan. At sa sakit na maidud...