Una

8 1 0
                                    

I recognized you instantly.
All of our lives flashed through my mind in a split second. I felt a pull so strongly towards you that i almost couldn't stop it.

-J. Sterling

"Girl, uubusin mo ba ang oras mo sa pagbabasa niyan?" pang-aabala ni Lucy sa akin. She know my answer already. Itatanong pa.

"Malapit na ko matapos." sambit kong hindi nakatingin sa dito.

"Panglimang beses mo na yan sinabi mula pa kanina." kahit di ko tignan alam kong umikot na ang bilog sa mata nito..

"Alam mo naman palang pang-lima na, di ka pa tumitigil ng tanong." sarkastiko kong sagot dito. Narinig ko itong umismid at umupo na lang ng tahimik sa tabi ko.

"Ugh! Nakakainis naman. Inaccept nya na lahat tas ako hindi." nagulat ako sa biglaang sigaw nito. Tinignan ko ito ng masama. Nagpeace sign lang ito sa akin.

Binalik ko na ulit ang mata ko sa binabasa ko ng sumigaw ito ulit. Pabagsak kong sinara ang librong binabasa ko. Tumingin ako dito ng masama. Ngumiti lang itong parang engot sa akin.

"Eh kasi naman. Si Ali inaccept nya na lahat ako hindi pa!" maktol nito sa akin. Pinaikot ko lang ang mga mata ko at tumayo na. Nakakagutom pala pag puro lang libro ang kaharap mo.

Parang gusto ko tuloy magkape.

"Uy saan ka pupunta. Hinintay kita dito tas iiwan mo lang ako. Mali yun Liababe!" sigaw nitong habol sa akin. Natawa na lang ako ng kumapit ito sa braso kong kala mo natatakot.

"I hate you talaga, kung di lang kita bff eh." kunyaring naiinis nitong sabi sa akin. Nginisian ko lang ito. Umismid lang ito sa ginawa ko.

Naglalakad na kami papunta sa cafeteria. Gusto ko talaga magkape, kaso baka bigla ako magpalpitate dito.

Nakarating na ko sa lane ng gusto kong bilihan ng pagkain. Self-service itong school kahit private. Good thing to not spoil students.

"Omyghodd!" narinig kong singhapan ng mga estudyante sa likod ko. Napatingin din doon si Lucy. Kitang kita ko kung paano manlaki ang mata nito. Dahil sa taglay kong kuryusidad, kusang gumalaw ang paa ko para humarap. Tsimosa ko na din. Pucha.

"Andito sila Ali! Ang gwapo talaga nya." narinig kong tilian ng mga babae sa harap ko. Pati narin ng nasa likod ko na si Lucy.

"Sayang wala si Leus. Hindi sila kumpleto." nanghihinayang na reklamo ng nasa gilid ko.

Sino ba ang mga tinutukoy nila?

"Leus, my man." sigaw ng lalaking may uniform ng kabilang school.

Kabilang school? Pano sila nakapasok dito? Hindi ba sila hinarang ng guard?

Dumating ang lalaking tinatawag nilang "Leus" mas dumami pa ang mga babaeng nandito kaysa kanina.

Napatingin ako sa sinigawan nito. Kapareho ng damit ng lalaking sumigaw kanina ang lalaking kadarating lang ngayon.

He's walking like he owns the whole campus. Sinuklay nito ang kanyang buhok gamit ang mga daliri nito. Narinig ko ulit ang singhapan ang mga tao sa paligid ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Pain.t to Remember (SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon